feeling WORRIED

May gumagamit po ba sa inyo ng BBT CHART (Basal Body Temperature Chart)? Based kasi sa chart ko may dip implantation ako nung 14 DPO (Day Post Ovulation). Tapos nagpositive Pt ako kahapon,16 DPO. Sa mga nababasa ko 6 to 12 DPO ang usual na implantation. Pag late daw sa 12 days mataas ang chance ng miscarriage. Nakunan ako 2yrs ago. Due to chromosomal abnormalities. Same case. 14 DPO nag dip implantation. 16DPO ako nag positive nun. Matinding depression pinagdaanan ko.Ayaw ko na ulit maramdaman yun. May kaba kong nararamdaman. Pano pag nangyari ulit? Isa yun sa mga bagay na di ko kontrolado. Ang dami nang tumatakbo sa isip ko. 😭😭😭 Next week pa sched ko sa ob kasi yun lang available time ng husband ko para masamahan ako. Hirap pa din kasi magcommute dito samin. Gusto kong iwasang isipin. Pero di ko din mapigilan 😒 Any advise mga mommy

feeling WORRIED
1 Reply
 profile icon
Magsulat ng reply

Sis, hindi healthy ang over thinking. Ke buntis ka o hindi. Think positive. Malay mo, okay naman pala ang baby mo, and your overthinking can be a possible reason kung bakit sya hihina. Be strong sis. Yang stress na yan din ang reason kung bakit ako nakunan almost 6yrs ago. Luckily, I have my first baby now.

Magbasa pa