Depressed At 29 Weeks ftm

Graduate ako, may stable job pero nag resign because maselan ako magbuntis, Kakakasal ko lang last month civil, 25 years old and 10years kami ni boyfie bago ako nabuntis. Akala ko before magiging masaya ako kasi nga magsasama na kami, parang wala akong ibng pangarap kundi maging asawa nya sa sobrang pagmamahal ko sa knya. Ok na ok kami, ako lang sguro tong hindi. I feel losyang na losyang nako and maraming nagsasabi. Before ako mabuntis lagi akong blooming, mabili ako ng mga pampaganda sa sarilo ko, lagi bago damit ko. Lagi akong nasa mall. Then nung nag resign ako, walang wala ako. Wala akong naipon, simula nung kinasal kami barya nalang laman ng wallet ko, di ako humihingi ng pera sa asawa ko. Lahat ng bills at food namin sya lahat gumagastos as in bahay lang ako, nalosyang na sa bahay, ? Kelamgan ko pa humingi sa knya, Feeling ko wala akong pangarap sa buhay, ang tanga tanga ko lang. Sana Nagipon ako, sana nagtrabaho ako mabuti, sana di ako nagmadali. Feeling ko tuloy ngayun sobrang down ako at wala akong pakinabang ?

35 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

mejo maramdamin ka lang sis effect ng pagbubuntis... akala mo huli na ang lahat, hello girl after mo manganak pdeng pde na ka ulit magwork at may nagaantay sau sa bahay na baby mong makulit na nagaantay ng pasalubong πŸ˜‰

Hi mamsh laban lang.. Wag ka pakastress.. Smile lng pra kay baby.. Mkakabalik ka din sa work mo.. Pag nagbubuntis tlaga naiiba ichura..Pray ka lng.

Girl, you can go back to work naman e. Yun e kung may mapagkakatiwalaan kang mag alaga kay baby. Iba pa rin kasi yung both kayo nagttrabaho.

Same here umaasa sa asawa at nanay hehehe! Babawi tlga ako pag nakapag work na ako. Nakakaiyak ung di pa abot bente ung laman ng wallet mo.

VIP Member

Sis, ganyan din ako nung una wag ka mawala ng pagasa isip in mo c baby focus ka muna sa kanya after that pwede ka ulit bumalik sa trabaho.

VIP Member

Buntis ka kasi kaya maselan ka magisip wag ka madown ganyan talaga pagdadaanan ng magiging isang mommy stay strong nlng

wag kna mastress mommy. kaya mo yan. ang importante magkasama kayong hinaharap ang nga pagsubok.

same here mamsh.. umaasa muna sa hubby ngayon. pero pag nkatrabaho ulit ayod na rin yan

Ganyan talaga ung buntis sis . pray kalang wag masyadong mag isip . Godbless u 😘

same 😭😭😭 bawi nlang tayo pag nagwork na ulit