Pa rant about sa partner

Grabeng iyak ko ngayon mga mi. Ramdam ko naman na yung partner ko eh may pagdududa sa pinagbubuntis ko. 36 weeks na ko ngayon. Nasaktan ako nung sinabi kong 37 weeks pwede na ko manganak. Tinanong ba naman ako na bat ang aga? Kesyo nga kasi oct ng 2nd week 2022 may nangyari samin. LMP ko is sept 27. Kakabalikan lang namin non and isang beses lang may nangyari samin nabuntis agad ako. Unexpected kumbaga yung pagbubuntis ko. Wala naman akong naging bf bago may mangyari samin. So ayun na nga expected nya talaga july ako manganganak which is july 4 talaga and edd ko. Eh di ba nga 37 up to 40 tayo fullterm. Nasaktan talaga ako mi. Ngayon lang talaga lumabas sa bibig nya yung tanungin ako ng bat maaga eh oct daw may nangyari samin. Ayoko na magpaliwanag sa kanya na 40 weeks is 10 months ang bilang non. Maximum na yon sa pagbubuntis. Napapaisip tuloy ako kung ipapaapilyido ko pa sa kanya. Total di naman kami kasal. Nakakawalang gana. Sana nung una palang sinabi na nya na ganyan takbo ng utak nya.

9 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

same tayo pero di si lip ang prob kundi ung tropa nya pakielamero. same tayo ng lmp base sa edd ko yan kasi irreg ako. tas may nangyare samin ni lip 3rd wk na ata yun naputok nya agad sa loob. tas di nako nag karoon ulit hanggang feb nag pt ako ayun positive. tas edd na lumabas july 4 paiba iba eh. duda sila na bat nakabuo agad bat nabuntis agad eh amp malamang nag sex kami pinutok agad sa loob irreg pako di ko alam ovulation ko. pero si lip mi no worries sakanya alam nya kasi sa sarili nya na tnadtad nya ko ng sperm nya nun sa loob at alam nyang irreg ako. di nya pinapansin ung tropa nya na duda na baka hndi sakanya. sinasabi ko din sa lip ko na baka di na abutin ng july since high risk ako puro pangpakapit din ako mi eh. tapos ituturo ko sakanya paano bilang ng weeks n months. +- kako yun sa case kako namin baka mapaaga kasi hr nga. iexplain mo lang sakanya ung weeks n months na bilang saka kng sure ka naman tlga sakanya yan mi pwede mo sabhen na kung duda ka ipa dna nyo pag ka panganak mo. communication lang mi. baka nga pagka panganak mo sya pa kamukha medyo naakainis yun diba haha explain mo lang mi

Magbasa pa
2y ago

nakakasama lang ng loob mi. Na kailangan pang umabot sa point na magpa dna? yung tiwala wala talaga. Ang sarap sabihan na sino ba sya para ipilit ko na sya ang ama kahit hindi kung sakali? bat ko sya guguluhin kung alam kong hindi sya ang ama? ganon ba ko ka tanga para ipahamak anak ko. Presidente ba sya? nakakaurat mi. Tas Parang di sya apektado. Immature kasi talaga yon. Alam mo yung point ko mi na bat kailangan ko pang mag explain kung sure ako na sya at kung may tiwala talaga sya o talagang mahal nya ko? Kawawa naman tong anak ko.