Pa rant about sa partner

Grabeng iyak ko ngayon mga mi. Ramdam ko naman na yung partner ko eh may pagdududa sa pinagbubuntis ko. 36 weeks na ko ngayon. Nasaktan ako nung sinabi kong 37 weeks pwede na ko manganak. Tinanong ba naman ako na bat ang aga? Kesyo nga kasi oct ng 2nd week 2022 may nangyari samin. LMP ko is sept 27. Kakabalikan lang namin non and isang beses lang may nangyari samin nabuntis agad ako. Unexpected kumbaga yung pagbubuntis ko. Wala naman akong naging bf bago may mangyari samin. So ayun na nga expected nya talaga july ako manganganak which is july 4 talaga and edd ko. Eh di ba nga 37 up to 40 tayo fullterm. Nasaktan talaga ako mi. Ngayon lang talaga lumabas sa bibig nya yung tanungin ako ng bat maaga eh oct daw may nangyari samin. Ayoko na magpaliwanag sa kanya na 40 weeks is 10 months ang bilang non. Maximum na yon sa pagbubuntis. Napapaisip tuloy ako kung ipapaapilyido ko pa sa kanya. Total di naman kami kasal. Nakakawalang gana. Sana nung una palang sinabi na nya na ganyan takbo ng utak nya.

9 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Better ask him if ready na ba talaga sya maging ama? Ako nga irregular ako at iba ang last mens sa due date ko eh magulo talaga, hindi porket yun ang EDD eh yun na may mga Mommies kasi na pagfirst time daw mas matagal compare sa due date, marami ding nagsasabi na Nanay sakin lalo na pag di ka naman high risk may chance pa umabot ng 41 weeks, or overdue na dahil minsan mataas pa si Baby kaya pag 8 months na sinasabihan ang mga preggy na magkikilos daw para bumaba si baby or matagtag kasi takot maover due. Wag ka lang masyado magworry baka naguguluhan sya Sis, explain mo na lang sa kanya kasi iba iba naman tayo ng katawan eh dapat lawakan niya pag iisip niya if di niya maintindihan yun problema na niya yon sa sarili niya kung papairalin niya ang negative mindset niya basta ikaw Don't worry too much, may mga ganyang talagang lalaki kasi di naman nila alam ang pakiramdam ng buntis, di nila mararanasan kaya minsan sila pa nakakasakit sa feelings natin or minsan di nila alam effect ng hormones satin. Kung alam mo namang sa kanya ang pinagbubuntis mo wag mo ipakita na affected ka sa sinasabi niya para hindi sya magduda or hayaan mo na lang sya kung di pa rin makaintindi, mas mahalaga pa rin si baby na ang isipin at health ni baby iwas muna sa negative na bagay at mag isip ng positibong bagay. Godbless, wag na masyado magworry mommy, praying for our safe deliveries soon. πŸ™πŸ˜‡πŸ˜Š

Magbasa pa
2y ago

Ganyan talaga Mi, wag mo na lang sya masyado intindihin, sakin rin naman feeling ko hindi ako importante sa partner ko kahit buntis ako pero syempre mas mahalaga sakin si baby ko, if di niya kaya isupport ako sa pagbubuntis kaya kong maging masaya at malakas para sa anak ko. Alam ko rin namang mahal niya ang anak ko, siguro hindi lang niya maintindihan na maraming nagbago sa katawan ko and madalas eh hirap na ako kumilos pero lahat kinakaya ko ni ultimo check up ko sa Hospital kahit wala sya eh nilalakasan ko ang loob ko. Lagi kong iniisip si baby ko, di maiwasan minsan na malungkot at magtampo sa kanya pero iniisip ko na lang pagod din sya at nagwowork nasanay siguro sya na sya ang inaasikaso ko, pero ngayon si baby lang nagpapalakas ng loob ko, lalo na paggumagalaw na sya super saya ko na at malakas ang loob ko. Nasa High risk din ako at GDM pero di sapat na dahilan yun para ilugmok ang sarili ko sa lungkot mas lamang ang saya ko kahit araw araw nag tuturok ako ng insulin at nagpipri