Pa rant about sa partner

Grabeng iyak ko ngayon mga mi. Ramdam ko naman na yung partner ko eh may pagdududa sa pinagbubuntis ko. 36 weeks na ko ngayon. Nasaktan ako nung sinabi kong 37 weeks pwede na ko manganak. Tinanong ba naman ako na bat ang aga? Kesyo nga kasi oct ng 2nd week 2022 may nangyari samin. LMP ko is sept 27. Kakabalikan lang namin non and isang beses lang may nangyari samin nabuntis agad ako. Unexpected kumbaga yung pagbubuntis ko. Wala naman akong naging bf bago may mangyari samin. So ayun na nga expected nya talaga july ako manganganak which is july 4 talaga and edd ko. Eh di ba nga 37 up to 40 tayo fullterm. Nasaktan talaga ako mi. Ngayon lang talaga lumabas sa bibig nya yung tanungin ako ng bat maaga eh oct daw may nangyari samin. Ayoko na magpaliwanag sa kanya na 40 weeks is 10 months ang bilang non. Maximum na yon sa pagbubuntis. Napapaisip tuloy ako kung ipapaapilyido ko pa sa kanya. Total di naman kami kasal. Nakakawalang gana. Sana nung una palang sinabi na nya na ganyan takbo ng utak nya.

9 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

mga mi. Nung una palang na nalaman kong buntis ako ayaw nya ng maniwala. Bat daw ako nabuntis agad eh di naman daw nya pinutok which is totoo naman. Ang nangyari kasi non is sya tapos na tas ako di pa so binalik nya ulit para lang makaraos ako nang di sya nagpunas man lang or naghugas. So sa tingin ko dun kami nadale. Sa pagdududa naman nya kaya nasabi ko kasi nung una palang sabi ko sa kanya na baka 37 weeks pwede na ko manganak gawa ng ang dami ko ng nararamdaman na sakit. Tanong agad nya bat ang aga so inexplain ko sa kanya. Pero this time naulit ulit. May karugtong pa na akala ko july ka manganganak kasi oct nga may nangyari samin. Parang may mali na talaga eh. Ang lalaki kasi ang alam lang 9 months. Ganon sila magbilang. Eh kung sa ob aabutin ng 10months ang 40 weeks. Sakin lang bat may pagtanong ng ganon? Ibig sabihin di talaga sya sure na kanya to diba?

Magbasa pa
2y ago

expected ko na to mi na talagang magdududa sya. kahit ako nalito rin magbilang. kasi nga inaabot tayo ng 40 weeks. lalo na sa sitwasyon namin na kakabalikan lang nabuntis agad ako. ang sakit lang sa part na kailangan pang umabot sa ganto. kung kelan manganganak na ko tsaka ako binigyan ng stress. nakakawalang gana mi.