Super Tantrums
Grabe ba mag tantrums ang 2 years old nyo specially baby boy?? Grabe kasi sakin. Huhu.
Mommy sabi nga "Habang bata pa, putulin mo na ang sungay". Pamangkin ko ganyan din eh ako kasi ang nag alaga iniwan sya ng mga magulang nya. Sa una sawayin ko ng malumanay kapag ayaw padin taasan ko na boses ko pero pag ayaw padin hinahaplit ko na pero isa lang naman at di naman yung sobrang lakas na halos mabali na buto. Kapag kasi hinayaan yang tantrums sa susunod wala nang pipiliing lugar yan iisipin nya na okay lang. Kaya papaumpisa pa lang ng tantrums na pinipigilan ko na sya. Ayun nagtagal naging maayos naman sumusunod sya pero hindi dahil takot sya. Kapag may reklamo sya kakausapin na nya ako ng maayos wala na yung tantrums na yan. Mahirap talaga pero dapat kayanin mo kasi ikaw ang huhubog sa pag uugali nya na dadalhin nya habambuhay.
Magbasa paPag nag tatantrums mommy tiisin mo, wag ka bibigay sa pagwawala niya kasi iisipin niya siya ang dapat laging masunod. Lo ko 1 year old pa lang pero grabe na rin mag tantrums kaya ginagawa ko tinitiis ko tapos pag kalmado na siya dun ko pinagsasabihan kahit di niya pa masyado maintindihan.
Mum of 1 playful superhero