Anong gusto mong i-request? Don't be shy!

Dahil love ka ng TAP, tutuparin namin ang munting kahilingan mo! Simula June 8 hanggang June 11, pipili kami ng 8 deserving winners na matutulungan sa kanyang wish! Mechanics: 1. Pumunta sa https://tap.red/pmdhd at i-click ang β€œParticipate”. 2. BASAHING MABUTI ang mechanics para malaman kung paano makasali. 3. I-comment ang iyong wish na gusto mong matupad ng TAP at ng Grab! Excited na kaming marinig ang mga wishes niyo!

Anong gusto mong i-request? Don't be shy!
759 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Wow! How generous naman ang TAP at Grab. Thanks for the opportunity po at syempre I will also try my luck na din. FYI lang po na 5 years na akong stay at home mom. Meron akong 9 yrs old and 1yr old. Magsimula ng naging stay at home mommy po ako every year kung iniisip paano ko didiskarte ng pangregalo kay Hubby sa mga special occasions na hindi galing sa bulsa nya. Kaya naman nung nabasa ko to sa contest tab natuwa naman ako dahil malapit na ang father's day kaya gusto ko talaga sumali dito. Kaya kahit na kailangan ko sana ng diaper para kay baby.. ang hihilingin ko ay Authentic Chicken Biryani na matagal ng kine-crave ni Hubby. πŸ™‚ 10 years kasi sya sa Saudi kaya medyo nami-miss nya ang Biryani at isa pa gusto nya din na matikman ko daw. Lagi na lang kaming nagbabalak mag online order. Kaya lang dahil sakto lang ang sweldo kaya hanggang tingin-tingin na lang muna. πŸ˜‚ Pa father's day nyo na po sana sa hubby ko ito. Thanks πŸ₯°

Magbasa pa
VIP Member

Dear TAP and GRAB, Bilang isang ina, wala na tayong ibang hangad kundi ang para sa ating mga anak. Lahat kayang gawin ng ina basta para sa kanilang mga anak. Nais ko po sanang humiling ng mga gamit ng baby dahil malapit na po ako manganak at nakakalungkot lang na wala pa po nabili kahit isang gamit ni baby dahil sa nangyaring pandemic. No work no pay kaming magasawa at wala kaming nakuhang tulong mula sa DOLE at DSWD. Nagastos namin sa pangkain ang perang naipon namin pati ung perang nakalaan para kay baby kaya wala kaming nabili na gamit nya. Nakakahiya man po pero ginagawa ko po ito para sa baby ko. Kung sakaling mapili po ang entry ko, ipagmamalaki ko po sa lahat na malaki ang naging bahagi nyo sa buhay ng baby ko. Ikekwento ko sa baby ko kung pano nabago ang buhay nya dahil sa TAP at GRAB. MARAMING MARAMING SALAMAT PO!! Marami po kayong natutulungan at sana wag po kayo magsasawa. Godbless you po!😊

Magbasa pa
VIP Member

Dear TAP and GRAB, Ang wish ko ay magkaroon sana kami ng munting salo-salo para sa aking nanay. Deserving siya na i-celebrate dahil sa lahat ng paghihirap niya para sa aming pamilya. Ako po ay isang single mother at kasalukuyang 7 months na buntis. Dahil high risk ang pregnancy ko, napilitan akong huminto muna ng trabaho, kaya ang aking butihing nanay ang nagaalaga sa akin at nagpprovide ng pangangailangan namin ni baby. Kahit matanda na siya, nagsusumikap siyang ibigay lahat ng pangangailangan namin ni baby tulad ng gastusin sa mga check up, ultrasound, at mga gamot na kailangan. Sana isa ako sa mapili para kahit isang beses man lang ay makabawi ako sa aking nanay. Tahimik lamang ang nanay ko, kahit kailan hindi siya nagreklamo kahit alam kong nahihirapan na siya. Sana manalo ako para kahit ganitong panahon na mahirap sa lahat, maramdaman niya ang kaunting ginhawa sa kakaunting panahon. Salamat ng marami, TAP and GRAB.

Magbasa pa
4y ago

Just like my mom. Hardworking mothers deserve all the love in the world. ❀️

Dear Tap and Grab, sana isa ako sa mapili na matupad ang isa sa mga wish ko KUTSON po or HIGAAN mismo ang isa sa mga wish ko para may mahigaan na kmi ndi na kmi hihiga sa banig at karton ng anak ko meron po kc akong 3yrs. Old at 6mos. Old baby wish ko rin po magkaroon ng DRYER or WASHING po para ndi na ako mahirapan sa paglaba lalo na at kaming tatlo lng sa bahay wala ako katuwang nalockdown kc c mr. sa pangasinan wala din xa pasok dun umaasa lng kmi ngaun sa bigay ng kapatid nya para may makain kmi, DRAWER/DURABOX lagayan po ng mga damit namin wala po kc kami lagayan, or GROCERY po para may pagkain kmi at pang gatas ng anak ko kc pag inaabutan kmi ng pera pag bibili ako ng gatas o pagkain dala.dala ko mga anak ko sa labas ng bahay, sana isa po sa mga wish ko ay matupad maraming salamat po at malaking tulong po sakin at sa mga anak ko ano man po ang matupad sa hiling ko godbless po.

Magbasa pa

Dear Tap and Grab. Matagal ko na pong gustong mabilhan ng android phone ang asawa ko kaso dahil nga po medyo gipit at kulang pa po sa panggatas at gastusin sa bahay ang sinasahod ko hindi ko po magawang bilhan siya. Isa lang po kasi ang gamit naming cellphone, nag hihiraman lang kami. Kapag kailangan ko sa trabaho dinadala ko yun, pero kapag hindi naman ay iniiwan ko sa kanya. Gusto ko kasi na may kontak kami kapag wala ako sa bahay. Minsan sa trabaho di maiwasang may biglaang O.T o kaya ay meeting, nasiraan ng bike etc. Na pwedeng maging dahilan ng pag aalala niya. Naiintindihan ko naman po siya dahil nga po maraming tarantado sa mga lugar na dinadaanan ko pauwi. Nakakapraning din po kasi sa side ko kapag nag iisip siya ng kung ano ano. Ayoko po ng nagkakaganun siya. Sana po matupad niyo po ang munting hiling ko na mabigyan siya ng cellphone. Salamat po πŸ˜ŠπŸ™‚

Magbasa pa
VIP Member

TO: TAP AND GRAB Ang wish ko if ever mapili is for my partner 😌 since birthday nya po nung JUNE 3 at mag fathers day din po .. wala ako naibigay sa knya .. hes 1 of the frontliner. Specimen Courier po sya sila ung mga ngpipick up ng specimen sa hospital or clinic then ddalhin sa laboratory nila. sa ngayon risky talag trabaho nya dhil pti swab test ng mga taong PUI at PUM ngaun ay bitbit nila. di nya alintana ang panganib at ngwwork hard sya para saming tatlo ng baby ko 😌 gusto ko sana sya isurprise nakita ko kc kagabi inadd to cart nya sa lazada ung BLUETOOTH H.SET na wireless.mahilig kc un mkinig music and sobrang sya nun kapag nakikinig music kahit d sya mgaling kumanta sintunado sya πŸ˜† di naman po sya kamahalan sana po mapagbigyan nyo po makita ko lng msaya ang mag ama ko sobrang msaya nrin ako. 1st time father sya sa 4mos baby namin. THANK YOU TAP AND GRAB πŸ€—πŸ€—πŸ€—

Magbasa pa
Post reply image

Sana po ako mapili, Gusto kong bilhan ng bagong damit ang asawa ko para sa trabaho niya, call center agent po siya, Hindi mo malaki sahod nila hehe. Simula po ng nagtrabaho siya wala pa siyang nabili sa sarili niya dahil napupunta lahat sa gastusin sa bahay at sa anak namin. Kung sahod niya sa kinsenas ay 8k. 6k para sa pagkain, gatas, diaper, at pangkain namin ng 15 days. Tapos yung 2k baon niya tapos magbibigay pa siya sa tita niya dahil tumira siya doon dati nung pinalayas siya ng nanay at hanggang sa naging kami almost 5 years pinapakain siya ng tita niya ngayon naman daw gusto niyang tumulong sa tita niya. Gusto ko man po tumulong sa gastusin, wala rin po akong trabaho at gusto niya magtapos ako ng kolehiyo para sa anak namin dahil hindi habang buhay may trahabo po siya diba. Alam ko po na may mas maraming nangangailangan saakin, pero sana po mapansin niyo ako. Maraming salamat po

Magbasa pa
4y ago

Sana TAP and GRAB mabasa po ninyo ito I really want to help sa mga ganiyong tao din dahil nakikita ko ang pagod ng asawa ko at pagtitiis ng asawa ko mapunan lang an pangangailangan namin sana kahiy sa ganitong paraan lang mabiyayan at mabigyan ng kasiyahan ang kanyang asawa opo hindi lang siya ang nangangailangan sana po mapabilang siya😊😊

DEAR TAP AND GRAB ako po ay isang ina at asawa May dalwang anak isang 5 months old at isang 2 yrs old same baby boy po sila, Bilang isang ina Sobrang hirap po ng ganitong Buhay dahil sa Pandemic na ngyare, Wala pong trabho yung asawa ko, may 2 pa po kaming pinapagatas at dinadiaper, Hindi ko po alam Kng saan po kmi kukuha ng kanilang mga panga2ilangan dahil wala naman po kming hanap buhay,. Dear Tap and grab Nais ko po sanang humiling ng konting Tulong para po sana sa 2 anak ko, sana po mabigyan sila ng GATAS&DIAPER AT VITAMINS upang mapalakas ang kanilang immune system, At sa asawa ko naman po sana Mabigyan din po siya ng vitamins at Cellphone kaht yung mmurahin lang po Para sa kanilang pagbalik sa trabho, upang may magamit po siya, dahil ng ssahre lang po kami sa iisang cp na Luma na, MARAMING SALMAT PO AT GODBLESS MORE POWER PO SA INYONG LAHT. β˜ΊοΈπŸ™β™₯️

Magbasa pa

Dear TAP and GRAB wish kopo sana mag karoon ng mountain bike ang kapatid ko para po sana GAMITin nia pang araw araw sa trabaho dito sa fairview kmi nkatira at sa quezon Ave namn ang trabaho nia. Mahirap po ang pagsakay sa puvs ngayon at siksikan delikado po para saknya. Siya lamang po ang ina asahan ng mga magulang ko ngayon kasalukuyang walang trabaho ang tatay namin isa kasi siyang jeepney driver. Hindi ko rin sila matulungan kasi wala rin kmi ngayon ng asawa ko sana kahit sa gantong paraan man lng makatulong po ako sa kanya kasi sa ngayon sya ang tumatayong haligi ng tahanan kahit hindi pa sya tlgang ama ginagampanan namn nia ang tungkulin ng tatay namin ngayon sana pa fathers day gift nio napo sa tatay ko at sa kanya. Mahal na mahal ko sila kaya gagawin ko lahat makatulong lng sakanila. Sana po ma pansin nio aking munting hiling. Maraming salamat po.

Magbasa pa

Hello po TAP AND GRAB !!Wala po akong hihilingin para sa sarili ko ang aking hiling ay para sa aking anak siya po ay 2months old pa lamang,nawa'y mabigyan nyo po siya ng kanyang pang gatas at mga kasuotan dahil po sa nararanasan natin ngayon na krisis at walang trabaho ang aking kinakasama nahihirapan po kaming humanap kung saan kukuha ng ipang bibili ng kanyang kailangan. At para naman po sa magulang ng kinakasama ko gusto ko po sanang mabigyan sila ng groceries dahil po sakanila kami ngayon naka tira,at para naman po sa kinakasama ko gusto ko po syang maregaluhan manlang ng kanyang gamit sa sarili katulad ng tsenelas at sapatos, karagdagang mga damit upang magamit niya ito sa pag hahanap ng trabaho sanay mapili po ninyo ako ang inyong tulong ay malaking tulong na po sa amin salamat po at good health po sainyo nawa'y patnubayan kayo ng dyos.

Magbasa pa