SSS Maternity Benefit

Hi good pm question lang po. Paano po kung naka leave na ko ngayon (due to recurrent pre term labor) pero august pa po ang due ko.. Wala na po ako contribution sa sss simula ngayon May, pero nakapag pasa na po ako sa HR namin para sa MAT1 nung February. Mag babayad pa din po ako ng contribution from May to July para ma qualify sa benefit? Nagtanong po kasi ako sa HR namin ganun nga daw ang mangyayari. Pero pinapapunta nila ako sa sss branch para i clarify at if ever doon na din magbayad. Kaya lang naka bed rest na kasi ako hanggang sa manganak. Baka naman may same case ng ganitong issue pa share naman po. Wala din kasi matawagan sa customer service nila ng sss.

5 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Basta at least 3 hulog from Apr 2019 - March 2020 pasok ka na sa maternity benefit. Nakapagpasa ka na rin ng Mat1. Ok na yan. Buti ka nga nakapag mat1 na ako hindi pa. Nov ang EDD ko. Sarado pa kasi mga branch and walang kwenta ang ibang option like website, text and app.

Ang alam ko po kahit walang hulog un.. Basta ung 6 months before k nag buntis is may hulog.. Kasi s first baby ko nov 2015 ang huling hulog ko, nagbuntis ako dec 2015.hnd ko n nahulugan pero nkarecieve p din ako ng benifits. Nagfile lng ako mismo s sss ng mat1 kasi resign n ko that time.

Qualified ka na po mommy para sa maternity benefit. Basta po may at least 3mos contribution ka from April 2019 to March 2020. Kapag binayaran nyo na po yung May-July hindi na po yan kasama sa computation ng matben nyo po.

Post reply image

Best way po is to pay voluntarily sa SSS via online payment. Nacrecredit po agad kapag sa Bayad Centre app ka nagbayad. :)

Kung august due mo. Qualified ka na basta may hulog ka ng oct to dec 2019 and jan to mar 2020.