milk

good morning po. okay lang po ba na hindi umiinom ng milk like unmum kasi hindi ko talaga ma take yung lasa , sinusuka ko po talaga kaya bear brand nlng iniinom ko pero everyday may iniinom akong gamot para sa calcium. mag 6mos preggy napo ako? salamat po sa sasagot?

66 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Ako naka 1 box lang siguro ako nung 1st trimester lang after nun di na ako uminom kasi di ko talaga din kaya lasa. Ngayon mag 6 months na ako ok naman si baby . Take lang po lage ng vitamins

Try nyo po ung ibang flavor ng anmum. Ung mocha latte po nya masarap ๐Ÿ˜„๐Ÿ˜„. Pero po ako 6 months pinatigil na ng OB ung anmum kasi masyado daw un maganda para sa baby so ichange to alaska hehehe

Try nio po ibang flavor mommy kasi ako ganun din,first take ko vanilla and d ko na gustuhan,and nag try ako another flavor may chocolate naman and mocha latte,maganda un para sa baby,

Pd nmn momsh.. aq dn ayaw q lasa ng mga maternal powder milk.. ntry u n b ung anmum drink?.. ung ready to drink n, iba kc lasa nun sa tinitimpla p.. msarap sya.. un iniinom q..๐Ÿ˜Š

Payo ng o. B. Every other day lang ako uminom pag bearbrand, sobra taas ng sugar daw kasi.. And kapag iinom daw wag na lagyan ng asukal. Masyado daw ako lalaki and baby.

I feel you momshie :) sabi nmn ng OB ko, ok lng daw hindi uminon ksi nkakapag trigger ng pagsusuka... Calciday 1500 nlng yong vit na iniinum ko for my calcium

Ako nga din gusto ko na itigil pag inom ng anmum.. kaso si LIP ko nagagalit,. Gusto nya hanggang 9months ako uminom.๐Ÿ˜“ #7monthsPreggy๐Ÿค—

Ok lang naman momsh. Kaya lang mataas sugar content ng bear brand, mas ok yung full cream or low fat fresh milk.

Ok lng po kahit bearbrand na gatas pwwde naman. Ako nga po wala vitamins kahit ani kasi sinusuka ko din.

VIP Member

Yes po as long as may calcium kang tinitake..tuloy niu lang dn po bearbrand niu..gnyan dn po ako noon eh

Related Articles