Nag gain ba kayo ng timbang sa unang trimester?

Good morning mga mommies. Nung first trimester niyo ba nag gain kayo ng weight agad? Pang 8weeks ko plang po. Ako kasi imbis bumigat parang lalong gumaan ☚ī¸ worried ako na makaapekto kay baby. Kumakain naman ako pero hindi talaga ako nadadagdagan ng timbang. Ano kaya pwede kong gawin? Salamat po

40 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

1st trimester ko po from 62 naging 54 ako. Nagtaka din po OB ko bakit ganun. Ngayong 2nd trimester po tumaas naging 63 po. Ang bilis tumaas. May binigay na target weight OB ko before manganak dapat daw po 72kilos. Akala ko mahirap iachieve yun kasi ang layo from 54 to 72 pero mukhang maaachieve ko hahaha kasama din kasi sa weight si baby and placenta.

Magbasa pa

normal lang daw yan momsh as per my ob. kase nasa stage pa dn ng paglilihi e. Ako dn nabawasan ng timbang e, 64 normal ko naging 58.. paiba iba, then nung nag 4months na ako dun n ako nkakabawi, 64 then netong 5months na ako 66 hahahaha gulat ung ob ko e hahaha Ewan ko ngayon pagbalik ko sa katapusan kung ilan na timbang ko hahaha

Magbasa pa

aq timbang q ndi pa buntis 46kg. First trimester q sobrang selan q panay suka at hilo aq tipong kinakaen q lang tinapay, biscuit saging. bumaba aq ng 39kgs as in malnourished talaga aq un sabi nman saken ok lng nman daw un kc maselan kaya ung 2nd tri. na dun na q nkabawi sa kaen at tumataas ung timbang q

Magbasa pa

On my experience nag lose ako ng timbang on my first trimester dahil nagselan ako (morning sickness), hirap ako kumain kasi may maamoy or matikman lang akong di ko gusto susuka talaga ako but came my 2nd trimester nung nawala yung morning sickness ko, nagbawi ako, from 46kg now I'm at 63kg (36 weeks).

Magbasa pa

Yes, from 58 now i'm 74.5 kg -30 weeks napo ako... every monthly visit ko 2kg nadadagdag sakin... cmula pa nung 1st trimester .... wla po kcng paglilihi na naranasan ko... normal lang lahat.. hopefully di mahirapan paglabas ni baby, mukhang nasobrahan nako sa timbang..😊

VIP Member

nope 1st tri dahil grabe sensitive ko may maamoy lang di maganda suka..kain konti di magustuhan suka nanaman kaya bumaba mga 1-2kilos timbang ko then naghabol ng 2nd tri..currently on my 31weeks and 3days today 67kilos na ko nag gain ng 8kilos from the start ng pregnancy ko..

Yes, normal lang yan sa first trimester. Ako nga nabawasan pa ng 10lbs nung first trim ko dahil palagi kong sinusuka mga kinakain ko, swerte na kung mag gain ako ng 2lbs kada linggo. Tas pagdating nung 4th month bumawi ako sa pagkain.. From 45kl to 68kl Real quick.

Hi, same situation here. On my 13th weeks i lost 5 kilos sobra kasi selan ko sa food. Ngayon 20th week ko hoping n tumaas timbang ko. Sabi naman doc ko wag maxado mag worry kasi sa 6 months ng pregnancy usually ang start ng significant weight gain.

Hindi ako nag gain kahit super dami kong kinakain. Grabe din kasi lihi ko nun, normal lang daw yun sabi ni doc. Di din ako nag vitamins nun, fresh milk and fruits lang, pero pagdating ng 12 weeks, okay naman ung ultrasound ni baby ❤ī¸

Ako in my experience nabawasan pa nga timbang ko sa sobrang selan ng paglilihi ko my maamoy lng ako na d ko gusto isusuka ko na agad kahit kakakain ko pa lng lagi ko lng inaalagaan sarili ko ng biscuit at tubig wag lng magutom