Malaki na po ba tyan nyo nung 14weeks na po kayo?

Good evening po mga mii, ask ko lang po kasi 14weeks na po kasi ako. Lagi ko pong tinitingnan yung tyan ko kong may pag babago ganun po. Pero para di po lumalaki , muka lang po akong bloated ☹️☹️ normal lang po ba yung ganyan?? Or ako lang po ung paranoid. Tumitingin na din po ako sa google kong ganun na po kalaki pero yung mga nakikita ko as in halata na po ganun. Sakin po bilbil🥺 or need ko na po mag na request po ulit ng ultrasound?

17 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

basta po walang problem sa ultrasound report niyo po. Maliit din sa kin nong 14 weeks po ako mas maliit pa nga po dyan sa tyan niyo po. Ngayong 28 weeks na ako malaki laki na siya kahit papaano. May iba po talaga na babae na malaki magbuntis pero maliit lang si baby paglabas or may babae naman na maliit kang din magbuntis pero nasa tamang size naman si baby.

Magbasa pa

Sabi po nila mga 5 months onwards pa daw po usually nakikita baby bump. Sakin po mejo halata na baby bump kasi slim po talaga body type ko. Sa puson na part po nakaumbok yung sakin. Currently 15 weeks. Bale depende po talaga siya sa katawan nating mga momshies. Size ng guava pa lang naman po kasi ang baby at 14 weeks kaya di pa po pansin paglaki ng tiyan.

Magbasa pa

Ako po lumitaw lang yung laki ng tyan ko 7 months going to 8 months na maliit lang din yung baby ko. Sinabihan nga po ako ng OB na palakihin ko daw si baby hehe. Pero normal naman daw sya sa tyan ko. Di ko lang talaga sya pinapalaki ng sobra para din di ako mahirapan manganak. ❤️

Same 14 weeks, bilbil palang hahaha. Kagagaling ko lang sa check up kasi sinisipon ako saka di nawawala sakit ng ulo ko, sinilip na din si baby sa ultrasound, okay naman siya gumagalaw galaw, nakadapa. Haha pero sa 22 pa talaga check up ko. 🥲

same tayo mii 14 weeks and 1day ako pero maliit pa rin tyan pag nkahiga pero pag nkatayo parang 5months ang laki😅 parang hindi buntis ... bsta laging healthy , okii sa ultrasound at wlang spotting

Post reply image

Mas maliit pa nga tyan ko sayo ngayon eh 13 weeks palang. Ang laki ng tyan magsisimula yan 5-6 months. Okay din na maliit ang tummy kesa mag over eat ka akala mo baby bump na yun pala taba lang.

ok lang yan Mii.. ako din lumaki lang po tyan ko talaga nung mag 6mos na may onti baby bump na at super buntis na po pakiramdam ko nung 7mos 😁

normal lang po yan kasi ako saka nahalata na may baby bump ako nung 4months na tapos medyo malaki laki na nung 6months until now na mag 7months na

thank you sa inyo mga mi ngayon di na ako masyadong nag iisip kong bakit maliit tyan ko at muka lang syang bilbil🥰❤️

21 weeks here. mukha pa ring busog. pero nararamdaman ko naman si bibi gumagalaw kaya ok na ako dun. 😁

Related Articles