ASKING FOR ADVICE

Good evening po. ? Gusto ko lamang po na humingi ng advice sa inyo dahil sa totoo lang po, hindi pa po ako totally ready sa mga mangyayari po sa akin once na nakapagpaalam na po ako sa school namin about po sa situation ko. Kasi nga po, 19 years old pa lang po ako at alam ko pong mainit ang mga mata ng mga ibang tao sa ganitong tulad ko na maaga pong nabuntis sa ganitong edad ko po. At sa tuwing lumalabas po ako sa bahay namin, nahihiya pa po ako at pilit ko pa pong itinatago yung tiyan ko para hindi lamang po mapansin kahit na 5 months na po itong tiyan ko ngayon. Alam ko naman pong mahirap itong pinasok ko na sitwasyon, at hindi po madali at alam ko din pong mahuhusgahan po ako, at tatanggapin ko naman po ito. Ano po ba ang puwede ko pong gawin para magkaroon na po ako nang lakas ng loob na harapin ang lahat ng mga ibabato po nilang panghuhusga sa akin? Marami salamat po sa maibibigay niyong advice. ?

43 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Hi bebe. Wag mong isipin ang mga sasabihin ng ibang tao. Kahit mapabata o matanda basta mga chismosa may masasabi at masasabi padin. Hobbies na nila magsalita ng kung ano ano kahit wala ka naman ginagawa sakanila. Ignore them nalang. Focus kay baby ❤ Konting panahon nalang makikita mo na baby mo 😍🙏🏻 God bless you!

Magbasa pa
6y ago

Hindi pa po eh. Excited na rin po akong malaman. Hehe. September pa po ako makakapag-ultrasound. :)

Related Articles