ASKING FOR ADVICE

Good evening po. ? Gusto ko lamang po na humingi ng advice sa inyo dahil sa totoo lang po, hindi pa po ako totally ready sa mga mangyayari po sa akin once na nakapagpaalam na po ako sa school namin about po sa situation ko. Kasi nga po, 19 years old pa lang po ako at alam ko pong mainit ang mga mata ng mga ibang tao sa ganitong tulad ko na maaga pong nabuntis sa ganitong edad ko po. At sa tuwing lumalabas po ako sa bahay namin, nahihiya pa po ako at pilit ko pa pong itinatago yung tiyan ko para hindi lamang po mapansin kahit na 5 months na po itong tiyan ko ngayon. Alam ko naman pong mahirap itong pinasok ko na sitwasyon, at hindi po madali at alam ko din pong mahuhusgahan po ako, at tatanggapin ko naman po ito. Ano po ba ang puwede ko pong gawin para magkaroon na po ako nang lakas ng loob na harapin ang lahat ng mga ibabato po nilang panghuhusga sa akin? Marami salamat po sa maibibigay niyong advice. ?

43 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

ako nga sa tamang edad na nga ako..kaso nbuntis na walang ama ang baby ko..wala eh inabandona kmi ni baby nang papa niya😢..Ngayon ako na laman na chismosang kamag anak nmin😅kahit todo support sila sakin na kaya ko na ok lang,pero iba nman sinasabi nila pagnakatalikod na😅.Iniisip ko nlang swrete prin ako kasi nandito parents ko..sabi nga nila magsasawa din sila sa pag chismis😂.pray always and everythings ok😇.

Magbasa pa
6y ago

Sana po, magising po sa katotohanan yung asawa niyo dahil sa pag-iwan niya po sa inyong dalawa ng baby niyo. And thank you din po. 🙂

Related Articles