C-section To Normal Delivery
Good evening mommies!!! Ask ko lang meron po ba dito cs sa 1st baby then nung sumunod normal na. May ganyan po bang case sa inyo? Cs kasi ako sa 1st baby ko kasi breech sya nun kaya hindi talaga pwedeng i-normal delivery kaya yun hoping ako ngayon na sana this time normal delivery although maraming nagsasabing CS na ko ng una kaya CS pa rin ako ngayon. Sobrang hirap ng CS huhuhu. Salamat po sa papansin.
Share ko lang mommy 1st baby CS ako Sabi ng ob gyne ko may possibility na pwede ma inormal pag 2nd baby pero depende pa rin daw po sa situation ni baby sa loob ng tyan at status ng pagbubuntis at ideal 3to5years bago sundan meron kc may mga case na possible daw talaga na From CS nagiging Normal delivery 😊 Ung sa 2nd baby ko kc CS ulit aq kc 2years lang nasundan na ng worry ob gyne ko n baka marupture ung uterus ko while labor 3rd baby ko 5years nmn bgo nasundan ayun CS na lang ulit kc gusto q din magpa ligate na kahit sabi ng ob gyne ko pwede pa daw ako mag 4th if i want 😅 sabi ko ok na yung may boy at 2girls na ako
Magbasa paYung nanay ko po, breech po kasi ang ate ko nung pinagbubuntis nya kaya na CS sya, then after 2 years ulit sila gumawa ng tatay then ako na yun. CS pa din sakin ang nanay ko. Sabi ng nanay ko kaya sya CS sakin nahirapan daw sya sakin. And now im 38 weeks, hoping na di mamana sa nanay ko sana normal delivery lang ako at kayanin ko 🙏
Magbasa paKadalasan talaga pag CS sa first, CS na din sa mga susunod. Pero may tinatawag na VBAC or Vaginal Birth After CS. You can ask your OB about it para maihanda ka nya for that. Ang alam ko kasi dyan dapat may imemaintain ng weight kay baby para mailabas sya via NSD.
Same here.. Cs ako sa una.. pwdi naman po mag normal.. depende sa reason kung bakit ka na cs dati. Ako kc nauuna ung inunan ko.. pero ngayon ok namn un placenta.. hirap ma cs ulit. Tagal ng delivery.
yes poh.. CS ako sa 1st baby ko kasi di ako nag labor.. then sa 2nd ko normal na at sa bahay lng lumabas na c baby di na umabot sa hospital.. 4years ung gap nila.. feel depende tlga sa baby ee..
pwede sis pero depende sa pregnancy mo. madaming factors to consider at dapat wala complications. tska depende sa ob din. di lahat ng ob will support vbac.
Pwede momsh, depende sa hiwa mo momsh if ang hiwa last c section mo bikini cut pwede ka pa mag normal ngayon but if yong pahaba na cut hindi na pwede
Meron po,kc ung tita ko cs first baby nia. Tas nung 2nd baby kaya nman daw mg normal kea ayun ninormal sia. Pero better ask ur OB padin.
Thank you :)
Cs po talaga lahat kung nasimualan na iCs sa una. Then up to 4babies only if cs. Unlike sa normal na kahit ilan.
Yes possible po ang Vaginal Birth After CS (VBAC). Mas ok humanap ka ng OB na susuportahan ka for VBAC.