sss maternity loan

good evening mga momshie.ask ko lang first time ko lang kasi magagamet yung sss maternity loan ko,sa mga nakagamet na po ilang months na dpat yung pagbubuntis bago magrequest?.ano requirements?..magkano at kelan makukuha yung pera?..sorry dami ko question..salamat sa magrereply?

2 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Momsh based sa website ng SSS dapat within 60days after conception makapagsubmit ka ng Maternity Notification Form & Proof of Pregnancy (Ultrasound Report) sa employer mu or if voluntary member sa SSS branch mismo. After ng deliveryย  magsubmit ka naman ng 1. Maternity Reimbursement Formย  2. Duly stamped na Maternity Notification Form rcvd by SSS 3. Certified true or authenticated copy of duly registered birth certificate. 4. Certified true copy of operating room record/surgical memorandum. (CS) Please note na dapat meron kang at least 3 months contribution within 12 months prior to delivery to qualify. Tapos kung madami ka naman na na-contribute get the 6 highest contribution divide by 180 multiplied by 60 (normal) or 78 (cs) para malaman mu how much yung makukuha mu ๐Ÿ˜‰

Magbasa pa
6y ago

Check mu sa HR nyo momsh kung may forms na silang available para hindi mu na kailangang pumunta sa SSS. Usually naman kasi for regular employees, ang company na ang nag aasikaso lahat. Kaya sa kanila ka din mag submit ng forms and requirements tapos sila muna magbabayad sayo bago ka mag leave kapag manganganak ka na ๐Ÿ˜‰

VIP Member

Dapat po makapagpasa ka po agad ng Maternity Notification (MAT1) sa SSS as soon as nalaman mo po na buntis ka po. Need lang un form nun at ultrasound result. After niyo po makapagnotify sa SSS, hihintayin niyo nalang po kung kailan po kayo manganganak. After manganak, magpapasa po Maternity Reimbursement Form (MAT2) sa SSS kasama un mga requirements na need po. Hingin niyo na po un list ng requirements sa sss para wala po kayong ma miss out na documents pagpunta nyo po ng SSS.

Magbasa pa