MILK

Good evening mga mamsh. Ask ko lang po if bumili na ba kayo agad ng milk for your baby before pa kayo nanganak? Balak ko talaga pure breastmilk si baby. Pero hindi ko pa kasi alam kung may gatas na ba agad ako pagka panganak ko, kaya napapaisip ako kung bibili na ba dapat ako before pa manganak or hindi? Kung bumili na po kayo, anong milk naman po kaya mas mabuti? Thank u and Godbless po.

1 Reply
 profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Ako po bumili ng maliit lang panigurado ko noon. Enfamil binili ko. Buti nalang at bumili ako kasi di ko pala ma bbreastfeed si baby nung nanganak ako dahil nasa NICU siya at CS naman ako. 😊 Pagka uwi sa bahay nag start na ako mag pump para madalhan siya ng breastmilk sa hospital. Mas mabuti ng ready mamsh!

Magbasa pa
4y ago

Yan din naisipan ko mamsh, na yung kahit maliit lang kasi nga din daw baka hindi magustuhan ng baby yung mabili kong milk. Pero ako naman mas iniisip ko baka hindi ako agad labasan ng milk sa breast ko kaya bili sana ako formula milk. Eh hindi ko alam din ano bibilhin ko, first baby kasi hihihi