Sleep Deprivation

Good evening everyone share ko sana yun story na nangyari lang ngayon. Warning lang sa makakabasa nito madrama itong kwento ko at wala akong masabihan ng rants ko. Sana wag nyo po ako husgahan sa kwento ko ngayong gabi. Ako lang ba yung naiiyak sa frustration dahil sa pagpapatulog ng bata yung tipong napatulog mo na tapos after mga 30-45min magigising sya nang alanganin oras kung kelan pagod na pagod ka at tsaka kukulitin ka. Ayun sa sobrang frustration ko naiyak na ako dahil sa pagod at puyat nasabi ko tuloy sa anak ko na turning 1yr old this year "simula nang pinanganak kita wala na akong maayos na pahinga" , "Ayoko magalit sayo pero bakit ganun gusto mo ako pinapahirapan", at " Napapagod na ako sa pagaalaga sayo dahil ganun at ganun din naman routine ko" . Grabeng frustration nararamdaman ko. Alam ko may magsasabi na nanay ka tiisin mo lang pero kelangan ba pag nanay ka eh, wala nang pahinga. Pano yung katawan at isip ko? Ayoko naman magalit sa anak ko pero di ko talaga maiwasan mapasabi ako ng ganyan. Balak ko sana kumuha ng nanny para sa anak ko pero natatakot ako baka masaktan yung anak ko pero may times na balak ko na kumuha ng nanny para hindi pagod katawan at isip ko at magawa ko yung gusto ko para sa future naming pamilya. Hindi ko na alam gagawin ko kung paano ko mapagaan yung damdamin ko parang hindi ko na kilala sarili ko, Hindi naman ako ganito dati. Gusto ko maging mabuting ina para sa anak ko, Ayoko mangyari sa anak ko yung traumatic childhood experience na nangyari sakin dahil sa pagpapalaki ng sakin. Gusto ko makita nya na at maramdaman nya na mabuti akong ina at anytime pede nya sabihin yung problema nya someday. Please help? Malaking tulong po sakin yung ipapayo . Maraming Salamat. 😢 P.S Dinagdagan ko lang po yung post ko, Pasensya na kung sakaling magulo kwento ko.

9 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

I was like this too. isa sa mga reason hindi masyadong nakakatulong asawa ko sakin dahil sa trabaho nya. hayaan mong kwentuhan kita. sana magsilbing aral sayo to. I also compliant bakit nahihirapan ako magisa sa pag aalaga. walang tulog na maayos at walang kain na maayos. hindi nakakapagayos ng sarili and stuffs. nakukurot ko anak ko dahil sa iyak sya ng iyak kahit alam ko naman na hindi din nya kaya kontrolin un kase baby sya. hes supposed to be this way. I said once "gof bakit naman ganito, bakit ang hirap girap naman sana di na ko naganak pa" then one day, 4months bago sya mag two, namatay sya. I can no longer complain na d ako makatulog. I can no longer complian na makalat sya. na needy sya na ayoko na. na pagod na ko. I have all the time in the world for myself. I can only ask god na ibalik sya. ibalik nya ung pagpd ko. ibalik nya ung puyat ko. I am not me anymore. pero kahit anong hiling ko hindi na mangyayare ang gusto ko. I wish u find it in u that what ur doing and going through is just right. siguro ang hilingin mo e magkaron ka ng kadamay sa lahat ng ito. asawa pamilya o kaibigan pero wag mong kwestunin si god sa pagbibigay nya ng anak sayo. anytime pede nya yang kunin sayo. I wish not. napakahirap mawalan ng anak.

Magbasa pa
2y ago

Thank you, mas lalo ko pa chenerish anak ko after reading this.