Sobrang iyakin ng baby ko
Sobrang iyakin ng baby ko, to the point na pati ako naiiyak na din sa sobrang pagod at frustration. 2nd baby ko na po ito, and sobrang nahihirapan talaga ako. Yung panganay ko is 1yr old palang and the 2nd one is 1month old going 2months palang sa July 10. Yung nagiguilty ako kasi di ko masyado maasikaso ung panganay ko and nagiguilty din ako kasi napapagod ako mag hele sa 2nd ko. Yung tipong mas matagal mo pa ihele kesa ung tulog nya. Minsan nagiguilty na din ako kapag naiinis ako or parang feeling ko minsan nag sisisi ako kasi bakit nasundan agad, parang ang sama sama ko naman para mag isip ng ganon. Yung tipong makokonsensya ka kasi nakakaisip ka ng mga ganong bagay dahil lang sa pagod mo. Yung tipong wala ka pahinga, walang maayos na tulog laging puyat. Ung matutulog kana nga lang sana sa gabi para sabayan mga anak mo pero naiisip mo muna tapusin yung tiklupin na damit para hindi nakakakalag kinabukasan kasi d mo nnaman maharap na gawin pag araw since nasa baby lahat ng oras. Yung ang kalat kalat ng bahay dumadagdag din sa frustration ko. Hayys yung tipong wala na ko time sa sarili ko. Pagpunta lang sa cr anv pahinga ko, nagmamadali pa 😭 napapagod ako pero sa tuwing nakikita ko mga anak ko na maayos nawawala din pagod ko at the same time nakokonsensya ako sa mga nararamdaman ko. Yun lang nag rant lang. Kung wala kayo maayos na sasabihin wqg nq mag comment. Nag rant lang tqlaga ako