malnourished son?
good day po!!gusto ko po humingi ng advice pra sa anak ko he is 1 year and 3 months pero ang timbang nya lang po ay 8 kls..pihikan po kc sya sa pagkain at wala syang gana kumain mas gusto nya po dumede kay mama nya..anu po kaya ang pwede nming gawin?..salamat po sa tutugon๐๐
planuhin ang pagkain niya, oras at klase ng pagkain. wag padedehin bago kumain. bumuo ng strategies paano malilibang at mapakain. unti-untiin hanggang masanay na kumakain, mainam kung may sabaw ang ulam para mas ganahan. ibalik sa pedia for checkup, para mas mabigyan ng tamang advice at macheck kung nakakaapekto ang weight niya sa development niya. pag nagseselan ang babies ko, dinudurog ko pa din ang gulay at karne para di masyado mahirapan ngumuya. bigyan ng prutas, at gulay. wag muna junkfoods, lalo at bago kumain.
Magbasa pa