sumpa
Good day po, naniniwala po ba kayo sa sumpa? Nabuntis po kase ako bago ikasal yung nanay ng bf ko dati(asawa kona ngayon) isinumpa ako/kami ng asawa ko nung nalaman niyang na buntis ako. Sobrang galit niya at sinusumpa niyang hindi ako sasaya at lalo pang maghihirap dahil sa ginawa ko. Last year po niya ako sinumpa. Ngayon 4 months na baby ko. Sabi ng mama ko ipabawi ko daw sa byenan ko yung sumpa niya dahil hindi daw maganda yun. Pero sa byenan ko parang nakalimutan na ata niya yung mga pinagsasabi niya at patuloy pa din siyang nagagalit sakin sa bawat galaw ko. Hindi ko makalimutan yung mga nasabi niya sakin simula nung buntis pa ako hanggang ngayon kaya hindi magaan loob ko sakanya. Tingin niyo po ba hindi talaga ako sasaya sa future at patuloy na maghihirap? Nag aalala po kase ako.