Lumabas sa ilong ang suka ni baby.
Good day po mga mumshies. Tanong ko lang kung may naka experience po ba sa inyo na after pakainin si baby ng cerelac pinainom ko ng water then after 10 mins. nag story telling kami then nakaupo siya maya-maya sumuka po at lumabas sa ilong nahirapan si baby humimga. Ni nasal aspirator ko at sinipsip nadin ang nose ni baby. Tumamlay siya for about 10-15 mins. parang inaantok pero pilit ko ginigising. Then Nagdecide ako na dalhin na sa pedia niya sana kaso nung kausap ko yung assistant sabi iobserve ko daw muna sakto nung nilabas saglit ng sister ko di na lupaypay si baby at nagburp din habang kausap assistant ng pedia niya kasi wala dun pedia nya yesterday. Sabi okay lang naman daw yun nangyayari talaga tapos wala naman daw pumasok sa baga dahil naka burp daw. Maya-maya sinuka niya na ulit yung yung parang malagkit na water. Tapos gumaan na pakiramdam ni baby. Hindi nangitim si baby or nag blue masigla siya. Kaso matapos yun inuubo siya pero di naman madalas pag naiyak lang tsaka may sipon na din. Pinaarawan ko siya kanina umaga lumalabas sipon na niya. Pero undecided ako kung dadalhin ko pa ba sa hospital kasi monday pa naman nandun ang pedia niya. Masigla si baby super likot at wala lagnat pero paminsan inuubo pero parang once lang kada 1-3 hours. or pag umiiyak lang. 6 months old si baby.