Speech Delay/Bulol

Good day parents! Just wanna ask sana ano pwede kong gawin sa 5y/o daughter ko na medyo bulol pa din?? Though madami na syang words na nasasabi, un bang makakakwentuhan mo na sya, kaso pag ibang tao na kausap nya o narinig syang magsalita, pinagtatawanan sya tas papaulit sa kanya ung sinabi nya (lalo na mga kamag anak namin ang nanunukso pa lalo). Miski name nya medyo bulol din. Frustrated na ko lalo ngayon na naka online learning sila (Kinder sa big school na, twice syang nagday care) kasi pag tinatawag sya ng teacher nya tas papasagutin tama naman sinasagot nya kaso di sya maintindihan, sinabihan pa nga kami ng teacher nya na kala nya nag eenglish daw. As a mother, ako lang nakakaintindi sa kanya ng buo at translator nya na din pag may ibang kumausap sa kanya. Sana matulungan nyo po ako or masuggest'an ng milk na budget friendly na makakatulong sa kanya. Nakakababa kasi ng self esteem both saming mag ina.

3 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Pag kinakausap mo sya mommy wag ka pong mag bebaby talk. Try nyo rin itama yung mga words na sinasabi nya na bulol. paunti unti matututo din yan

VIP Member

try nyo po da speech therapist para mapbserve kung may problem ba sa speech nya and ma correct din agad

VIP Member

if you want sis, mg SLP sya