Opinion And Advise

Good day mommies. I would like to know your opinion and advise about my current situation and also if what i think is ok or not. Nakikitira po kami sa family ng husband ko, magkakasama po kami lahat ultimo may pamilya na yung kapatid nandito rin. Chinese fam kasi siguro(?) not sure po ako kung lahat po ay ganito pero parang karamihan po yata. Noong mag bf-gf palang po kami, nasabi ko na nga po na bumukod po kami kasi sobrang dami na po nila sa bahay. Sabi po niya, sa kanya daw po yung bahay, tska aalis din naman po yung sister niya na may pamilya doon, eventually kokonti daw. Pero of course nandoon ang parents dahil daw lalaki daw ang mag aalaga sa magulang... Meron din siyang nabanggit na magbubukod din kami kasi naiinis daw siya sa kanila... Noong kinasal kami, dito na kami nakatira na... Sabi daw mag iipon daw kami para makabukod. Mag 1 year pa lang po kami. Nabuntis po ako, at nanganak nito lang po. Alaga naman po ako sa pagkain at di po ako nakakagawa ng gawing bahay dito po sa kanila pero... Nahihirapan po talaga ako kasi parang nararamdaman ko na sinosolo ng biyenan ko yung anak ko. Noong pinanganak ko siya, almost 3 weeks siya ang humahawak sa baby, hindi na rin po nakapaglatch si baby dahil nagkaroon na po ng nipple confusion. Paligo po ni baby ayaw niya pong ibigay sa akin.. Marami pa pong pangyayari.. Gusto ko pong ikwento po lahat talaga... Gusto ko pong umuwi at dalhin po si baby sa amin kasi nag iisa lang po ang nanay ko sa amin. Ayaw po nilang ilabas ang baby ko kasi di pa fully vaccinated tska may ncov daw po... Kinocompare pa po yung mga ibang pinsan po na nanganak, 1 year daw po bago inilabas... Sabi ng mga kaibigan ko possible na may postpartum depression na po ako.. Feeling ko po nakakulong kami dito..para po akong nagtatampo kapag iprofile pic ni biyenan po ang pic ni baby... Ang laki ng disappointment ko sa asawa ko

1 Replies

VIP Member

Hi mommy. For me, the main key I see here is makausap mo heart to heart si hubby mo and tell him all - lahat ng nagffeel and namention mo. It’s never a good idea naman talaga na extended family sa house...magulo kasi laging meron at merong magiging misunderstanding. Sana talaga makabukod kayo ng house ni hubby mo. The grandparents can help guide sa pagpapalaki ng apo nila pero eventually never sila dapat makielam kung anong paraan pagpapalaki ang gusto mo gawin for your child.

Salamat po maam

Trending na Tanong