Madamot

Good day mga mommies. Tanong lang po kung madamot na po ba ako? Ganito po kasi yun, nakabukod na po kami ng asawa ko year 2018 pa po. Yung mama ko sa amin po nakatira kasi only child ako and wala na rin papa ko. Walang problema yun tanggap ng hubby ko yun. Ang di ko po maintindihan is yung mga kapatid ng mama ko po. Sa amin kasi kumakain lage, ginagamit yung mga gamit namin sa bahay. Sa amin din po nagluluto. Dati hinahayaan ko lang kasi may work din naman ako kaya lang po last year na close po yung pinagtatrabahoan ko and wala ako work ngayon. Sabi din naman ng hubby ko tsaka nako mag work ulit pahinga nalang daw muna ako. So basically, siya lang nag proprovide para samin kaya po bina budget ko po talaga. Nahihirapan po kasi ako kasi kahit condiments sa bahay namin doon kumukuha yung mga kapatid ng mama ko. Kahit nakabukod na kami di ko parin ma feel yun. Masama na po ba ugali ko nito? Pasenya na po sa inyo mga mommies nilalabas ko lang po sama ng loob ko. Wala akong masabihan.

16 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Hayaan mong sabihan ka nila ng madamot, kasi may rights ka naman eh. Buti ba sana kung minsan, eh kung palagi ibang usapan na yun.

Hindi po pagdadamot yun. Pasabihan nyo po sila. Wag mo e tolerate kasi lalong maggagaganyan yan..

5y ago

Matagal ko na po napagsabihan pero ganun parin po. Minsan di na nagtatanong kung nakakain naba yung may ari ng bahay eh basta may makitang pagkain deritso kusina na po. Hahay

Baka pwede mo iopen sa mga kapatid ng mama mo yung sitwasyon nyo ngaun Kausapin mo sila

May sadyang makakapal ang muka. Nakakahiyang akuin na kamag anak🙄😏

Hindi ka madamot .. makapal lang mukha nila

Hindi ka madamot, mommy. Abusado lang po talaga sya.

5y ago

Napagsabihan ko na naman po pero parang wala lang din po. Minsan nakakahiya na yung paulit ulit mo nalang pagsabihan.