Malubhang pagsusuka (10 weeks pregnant)

Good day mga Mommies! Gusto ko lang sana magtanong kung meron ba kayong maisusuggest na pwedeng gawin para malessen lang yung pagsusuka ko? Halos every after meal kasi naisusuka ko lang yung kinain ko tapos mahapdi na din yung lalamunan ko kakasuka. Nagtanong kasi ako sa OB ko sabi normal lang daw pero parang wala nang natitirang pagkain sa tiyan ko. Pahelp naman po. Salamat and may God bless us all!

2 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Mi, yung OB ko po may niresetang gamot sakin nun. bumaba po kasi timbang ko due to severe morning sickness pero di rin tumalab. ang sinuggest po ng OB ko magginger candy, ayun medyo nabawasan po yung trigger ng pagsusuka ko. dati po kasi wala pa akong kinakain nasusuka na po ako.

1y ago

Kahit pag inom nga lang din po ng tubig nasusuka na ako pagkatapos. Itatry ko po yung ginger candy na sabi niyo . Salamat po sa advice. God bless.

same case po. Hindi na ako nakakain dahil sa aversion at kung kakain man isusuka ko din. Yong ob ko po niresetahan ako ng plasil , kahit pano umokey naman sakin. 3x a day ko sya iniinom 1 hr before kumain

1y ago

Nakapag take din po ba kayo ng antacid or maalox