Pagpapa inom ng breast milk sa bote

Good afternoon po. Ok lang ba na sa bote nalang ipainon ang breastmilk? 2 months na si baby at mukhang hindi siya marunong/ayaw nya dumede ky mommy nya. Kasi bhra lang po si mommy magpa breastfeed kay baby. Parating formula milk ang pinapainom kay baby. Pag sinasabihan ko nmn si mommy na mag pump pra dumami yung gatas hindi aq pinapakinggan at madalas xa pa ung galit. Pinapasali ko xa s "magic 8 mommies" n group s fb pra magkaroon xa ng dagdag n kaalaman s pagpapabreast feed pro ayaw din. Pag nkkta q s vcall n parang nagbubunong braso cla ni baby pag sinusubukan nyang ibreastfeed si baby ay na didisappoint po ako. Sa totoo lang po na iistress aq ky mommy kc hnd tlga xa nkknig s mga sinasabi kong payo. Ako n nga ung nag eefort n mgshare ng kaalaman sknya, ako pa ung nagmumukhang mali.

4 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Wag po kau mastress Kay mommy kasi Hindi nyo po alam Ang pinagdadaanan Ng bagong panganak Lalo at bf pa. Wala po kau sa sitwasyon nya mas makakatulong po Kung support Ang ibigay Hindi ung pinipilit nyo po sya sa tingin nyong Tama para sa kanya.

VIP Member

Wag po kayo mastress agad kay mommy. Posible naman po kase na tinatry talaga nya yung best nya kaso mahirap or nahihirapan talaga sya. Breast milk pa din ang best para sa baby pero if kapalit naman nun yung sanity ni mommy mahirap din po yun.

Nung unang araw ng baby ko.. Hirap din tlga ako sa pwesto kung paano ko sya papadedehin... Lagi ko tinatawag midwife tuwing papadedehin ko si baby para tulungan ako ipwesto sya... Ftm po ako... Mahirap po tlga sa umpisa๐Ÿ˜Š

okay lang naman momsh as long as BF pa din pinapadede. pinsan ko kasi di niya mailatch baby nia kaya nakabote BF nia. veey taba naman ng baby nia, malusog at malakas.