Share your experience sa mga nag preterm labor
Good afternoon mga mommies! Gusto kolang mag share ng experience ko sa preterm labor. First experience Kong nag preterm labor sa aking first baby. Kami ng asawa ko gustong gusto ng magka baby. Before ako nagpakasal is regular regla ko lagi then nung kinasal ako ng irreg ng ilang months, ilang beses nadin ako nag pt pero negative padin so pumanta kami sa OB, chineck and pwerta ko pati Ang cervix ko and clear naman then binigyan ako ng gamot pampabuntis or para mag regular ulit regla ko. After 3-4 months is nag regular ang period ko. Then sa mismong birthday ng asawa ko, naka experience ako ng heartburn and tinanong ako ng sister in law ko if dinatnan naba ako, then sabi ko hindi pa pero nag regular na ulit regla ko nito so nakakapagtaka baka need ko ulit gumamit ng gamot na pamparegla. Then the next day is may pregnancy test sa bahay namin, so then triny ko baka buntis ako, hinintay ko ilang mins, ayun dalawang lines meaning positive then triny ko ulit kinabukasan, positive padin. So pumunta nakami sa OB para mag pa check up if buntis ba talaga Ako, so confirm nga na pregnant ako. And then after a few weeks nung last visit namin sa OB is nagkaroon ako ng spotting, sa una light lang then bigla medyo naging heavy hanggang nag worry nako. Pumunta ako sa OB ko then tinignan yung aking pwerta, then nakita is meron akong polyps sa mismong cervix. So binigyan akong gamot, pampakapit at pampa stop ng bleeding. Ilang weeks din sumasakit puson ko. Nung isang gabi is kinabahan nako parang lumala bleeding ko. Sobrang iyak ko Kase baka nakunan ako, nag pray nalang ako. Then kinabukasan is nag stop bleeding ko as in nawala. So dapat pupunta nako sa OB pero di nakami tumuloy. Then nung nag check up ako ulit. Pina ultrasound ako ng OB ko if buhay pa si baby ko pero thank God, buhay siya. Nagulat ang OB ko Akala niya patay Ang baby ko pero may heartbeat padin. So nakalipas ang ilang months, 4 months na Ako neto dahil nag stop na bleeding ko nag decide kami mag beach ng family ko para sa bday ko. Then nag swimming pa ako, after a month, Ika 5th month ko nag gender reveal kami and ang gender ni baby is Boy. So sobrang saya namin ng mister ko and family din namin. Sobrang excited sila para samin, dahil first baby namin ito. After a month, saktong 24 weeks or 6 months, parang may unusual discharge akong na experience, para siyang sipon na kulay brown. Then nag worry ako, pero diko na inisip. Sakto check up ko kinabukasan nun, so nag pa check up ako then nagulat ang OB ko sabi niya 5 cm na daw Ako, naka open cervix na Ako and manganganak na daw Ako. Sa sobrang gulat ko, dipa kami ready, diko pa nabiling damit ang baby boy ko. So pinaka confine Niya Ako agad baka manganak na daw Ako that day, tinurakan din ako ng 4 times para sa lungs ni baby para mag mature , in case daw na manganak akong maaga, may chance na mabuhay si baby. After 3 days sa hospital since Wala Naman akong contraction na nararamdaman, pinauwi na kami. Rinecommend din Ng ob ko na bigyan akong pampakapit orally and transvaginal. Twice a day sa pwerta and through oral Naman is Yung pampa relax Ng uterus tsaka pampakapit. Nung naka uwi na kami, strictly bed rest. As in bawal tumayo at gumalaw, Akala ko okay na lahat, akala ko if mag bed rest ako, di na Ako mag la labor. Pero nag labor padin Ako, ayaw maalis ng sakit sa bandang may pubic bone ko, then Nung mga 5 am na, is tinignan ng asawa ko Yung diaper ko then may bleeding na naganap. Na may discharge nadin na malagkit. Tinawagan na namin OB ko then sinugod na ako sa hospital. 25 weeks palang baby ko then halos Ng mga nurses and midwifes duon ang Sabi sakin Walang nabubuhay Ng 6 months, di daw viable Yung mga napapanganak ng week na ganun. Nag IE sila sakin around 8 cm na daw ako. Sobrang iyak ko kase sobrang sakit na diko alam pakiramdam ko. Ayoko pang manganak dahil masyadong maaga. Ginawa ko Naman lahat Ng sinabi ng OB ko, dinaman Ako nag kulangan sa gamot and vitamins Kay baby. So Akala ko ma sa stop labor ko, Akala ko iuuwi Ako ulit kaso nag tuloy tuloy na. Nanganak ako ng araw na iyon. Sabi ng Ob ko, Nung kalabas ni baby DNR(Do not resuscitate) pero umiyak baby ko then napa smile Ako, Nung narinig ko umiyak, meaning buhay siya. Pero linayo na siya agad sakin then nakatulog na ako. So Nung nagkamalay na ako, after ilang Oras nasa room na Ako, Ang lungkot Ng family ko. Sabi Ng pedia ni baby, sobrang Hina daw Ng heartbeat ni baby and ganun din Ang lungs. Nasa around 50 lang heartbeat niya. Kinabukasan, Wala parin improvement si baby, sobrang nakakalungkot Ang daming nakalagay sa katawan Niya, kung ano anong nakasaksak sa katawan niya. Sa sobrang liit Ng katawan niya. Awang awa na Ako, Sabi din Ng pedia walang improvement so inuwi nalang namin si baby. Isang Araw lang nabuhay si baby boy ko. Kinabukasan is nilibing din namin agad siya. Ang hirap palang mawalan ng anak. Sobrang miss kona baby ko. Ang hirap pag pinapili ka. Sobrang bigat sa dibdib. Miss na miss kana ni mommy, anak. Kung nasan ka man ngayon, no more pain baby ko. Magkikita din tayo anak. Mahal na mahal kanamin ni daddy mo. Madaming nagmamahal sayo anak ko. I love you so much, my guardian angel👼 Lagi mo kaming babantayan ni daddy mo ha. Kahit sa saglit na panahon ka nakasama ni mommy, sobrang saya ko. The best gift ka na binigay sakin ni Lord, kahit saglit kalang niyang pinahiram samin ni daddy mo. Nakakamiss yung mga kicks mo sa tiyan ko. If bibigyan akong chance ni Lord na ibalik ka samin, gagawin ko lahat. Pero anak tandanan mo na lagi kitang pag pe pray, na Hindi kita makakalimutan at lagi Kang nasa puso ko. I love youuuuu panganay ko and thank you sa memories natin. ♥️ So may tanong po Ako mga mommies, Yun kayang pagdurugo ko Ng first trimester at Nung may polyps Ako, Yun kaya Yung reason din ba na nag preterm labor Ako? Na nag open Yung cervix ko Ng maaga? Painless preterm labor na experience ko. And share din kayo Ng experience niyo sa mga nag preterm labor and if nabuhay ba Ang mga baby niyo.