Maternity leave po ang meron sa sss. Kung gusto mo pong bigyan ng 7 days paternity leave, meron pong finifill up-an na form na gusto mong ibigay kay mister yung 7 days. Kasabay po yun sa pagpafile ng maternity notification. Tapos pag naapprovan na yung maternity benefits mo with 7 days paternity leave sa sss, si mister nman magpafile ng paternity leave sa company nya. So si company na ang magbibigay ng pera kay mister pero binawas parin naman yun sa maternity benefits mo.
ang company po ng mister nyo ang maggagrant ng paternity leave.. kasali po sa mga leave benefits nila ang paternity leave.. with pay po un.😊 maternity leave lang po ang meron sa sss.