Hi. Just wanna tell a story about my life.

Here we go, im 22 years old and base in this app im 11 weeks & 4 days pregnant. Naging kami ng boyfriend ko august 18 2019, ON and OFF kami dahil sobrang seloso nya. Maliit na bagay pinapalaki nya ginagawa nyang big deal at wala syang pinipili kahit sino pnag seselosan nya. So, to make the story short nalaman ko na buntis ako mix emotions yung naramdaman ko nun at ng sinabi ko na sa boyfriend ko hindi sya natuwa o naging masaya manlang. Ayaw nya panindigan yung anak namin dahil ayaw nya maniwala na sya ang ama sabe nya pa sakin kpag tnuloy ko yung pagbubuntis ko ipapa dna test nya daw yung bata. Pumayag ako, pero kung ano ano ang natanggap kong salita sa kanya. Sa oras na yun parang kong pnagbagsakan ng langit at lupa dahil hndi ko alam ang magiging reaksyon ng pamilya ko kpag nalaman nila na buntis ako ayaw panindigan ng tatay. Sobrang kahihiyan dadalin ko sa pamilya ko. Ang laki ng expectation nila sakin kaya alam ko na ma didissapoint sila kpag nlaman nila na buntis ako. 1month na kami walang communication nung lalaki ilang beses ako nagmakaawa na panindigan nya lang kahit hndi na nya sustentuhan pero sobrang tigas nya at pinipilit nya pa rin na hndi sya ang ama. Okay guys sabhn ko sa inyo kung bakit ganun sya dahil may nakita nya yung cellphone number ng ex ko sa phone ko. Naka save pero wala na kaming communication nung ex ko sbe ko nga sa inyo sobrang seloso nya mkita nya lang na may kausap ako o may magtanong lang sakin na lalaki iisipin nya na lalaki ko na agad. Ganun sya, ganun sya ka desperado. Ngayon nagpapanggap pa din ko dto sa bahay na parang wala lang. Pero pag sapit ng gabi hindi ko maiwasan isipin yung ginawa sakin ng lalaki na yun. Wala syang puso, Hindi na sya naawa sa anak namin. So tama ba na hinayaan ko nalang sya at wala akong ginawa para mag dusa sya sa ginawa nya sakin. Totally, walang wala ako ngayon nag resign ako sa trabaho ko nun dahil hndi ko na kaya yung puyat at pagod. Naisip ko na ipalaglaga yung baby dahil may nag sbi sakin na dugo palang naman daw. Pinag isipan kong mabuti yun pero hindi ko tnuloy sobrang depress ako sa mga panahon na yun. Gusto ko lang marinig mga opinion nyo. Thank you ?

68 Replies

VIP Member

Same situation ..Hindi rin ako pinanindigan and ipapa dna pa daw nya si lo ko kahit hawig na hawig nya Mini-me in female version. While I was in my 1st trimester sobrang hirap i open sa up sa family.. First shinare ko sa mga close friends ko until parang nasanay na ako sa kakashare sa kanila na hindi na ako nasasaktan saka ko ini open up sa family ko.. Ayun ok lng naman sa kanila. Ff. So ayun nga nanganak na ako and mga neighbours or classmates acquaintances tinatanong asan yung tatay kung ng susupporta ba (foreigner sya) either sinasabi ko na oo minsan naman sabi ko nalang na nalunod sa sabaw . Makakamove on ka rin momsh. Although I must admit masakit para ky lo natin na dinedeny sila pero someday makakakilala tau ng guy na handang maging tatay sa anak natin.

Buti nalang foreigner momsh maganda lahi. Nakakabwesit lang yung mga ayaw panindigan ang pangit pa ng lahi!

hayaan mo na yung lalaking yun sis, parang ganyn din nngyari sakin di pinanindigan tinaguan nalang bigla, sobrang stress din ako ng mga time na preggy pa ako first ko sinabihan yung mother ko nung una nagalit siya mga halfday lang siya nagalit then naintindihan din naman agad niya, sa father ko lang medyo natagalan bago natanggap din niya si mama ang nagpush na tanggapin na lang ng papa ko kasi blessing naman baby at andiyan na daw, alam mo nung naging ok na lahat sa father ko parang nabunutan ako ng tinik sa dibdib, gumaan pakiramdam ko at dun ko narealized na kaya ko pala kahit wala siya, now 8 months old na baby ko at super love ng parents ko si baby, tama nga na family mo lang ang makakaintindi at makakatulong sayo

hayaan mo na yung lalaking yun sis, parang ganyn din nngyari sakin di pinanindigan tinaguan nalang bigla, sobrang stress din ako ng mga time na preggy pa ako first ko sinabihan yung mother ko nung una nagalit siya mga halfday lang siya nagalit then naintindihan din naman agad niya, sa father ko lang medyo natagalan bago natanggap, pero si mama ang nagpush na tanggapin na lang ng papa ko kasi blessing naman baby at andiyan na daw, alam mo nung naging ok na lahat sa father ko parang nabunutan ako ng tinik sa dibdib, gumaan pakiramdam ko at dun ko narealized na kaya ko pala kahit wala siya, now 8 months old na baby ko at super love ng parents ko si baby, tama nga na family mo lang ang makakaintindi at makakatulong sayo

better to tell your parents and family. same case tayo. like your age when I had my 1st born. Hindi ko alam gagawin ko noon. lalo pa ang tatay ng anak ko Hindi pa malinaw sa isip nya kung anong gusto nya sa buhay. nagkahiwalay kami sa panahon na pagbubuntis ko. with my family love and care nakaya ko lahat n wala sya. now I am married to other man after 6years of being a single mom. I am telling you this kasi Hindi lang ikaw dumaan sa ganyan kalagayan. maging inspiration m sana n makakaya mo yan kahit wala ka partner. Lage mo isipin ang baby mong yan maglelead sayo sa tamang direksyon ng buhay. mahalin m biyaya yan na binigay ni papa God. ipakita m karapatdapat ka.

kayang kaya mo yan, basta lagi ka lng magdadasal, dalawang beses akong nabuntis ng magkaibang lalaki kasi umaasa ko palagi sa true love,.. sa awa ng Diyos naitaguyod ko sila ng maayos college at senior high na sila, di pa din ako napagod sumubok magmahal ulit hinningi ko kay Lord na kung may ibibigay pa sha para sakin sana yung mamahalin rerespetuhin at aalagaan ako kasama ng dalawa kong anak, and God is great, now i am married we have our own child a 1 yr old boy at buntis ulit ako 😁 😂 ayaan mo n yung ex mo, next time na lng kilalanin mo muna yung magiging partner mo kapag dika sure mag contraceptives ka. Take care always. God bless you and your baby.🙏

Better na sabihin mo na po sa parents mo para atleast mabawasan yung bigat na nararamdaman mo. Ako nung inamin ko sa parents ko kala ko sasaktan ako or papalayasin pero thank God kasi natanggap nila ako gumaan loob ko, plus yung partner ko todo supportive inaalalayan talaga ako. Oo mahirap sa una kasi nasa after shock pa sila pero eventually matatanggap din nila. Mas excited pa nga sila lumabas baby ko. Positive lang po wag masyado mag paka stress kasi nakakasama po yan sa baby at di po solusyon ang abortion sa mga problema nyo, please wag nyo idamay ang baby. Anyway God bless you sis. Praying for u and ur little one. 🙂

Ok lang yan mami...mahirap maging single...pro mas mahirap pilitin yung taong ayaw...icpin mo nlang kung mapilitan mo nga siyang paninidigan..pglbas ng bby mo..sabi mo mga may pgkaseloso bka masaktan pa kyu physically....tpos yung emotional hurt pa na pwede niyang maidulot sa inyong mag.ina....mas mahirap yun... Pabayaan mo siya...mas maaga na wala siya..mas madali kang makapag.adjust...pgdating ng bby mo...siya nalang focusan mo.... Ngayon palang...atleast nalaman mong walang kwenta yung lalaking yun..... Enjoy your pregnancy...pra maging healthy si bby....and thanK God n di mo siya pinalaglag....

Betlog yang jowa mo. Keep the baby. Maliit pa sya ngayon at dugo lang,.pero priceless ung moment pag lipas ng ilang bwan na mararamdaman mo syang gumagalaw sa loob ng sinapupunan mo. Sabihin mo s side mo yung totoong sitwasyon mo at ano ang desisyon mo. Tutulungan ka nila. Make plans. Kung alam mo naman sa sarili mo na kaya mo buhayin ang anak mo, bt ka hihingi ng sustento. Hayaan mo sya. Wait til the tables turn. Matatauhan dn sya sa kagaguhan nya. Di man ngayon, pero mangyayari yon. Magiging maayos din ang lahat. Ang isipin mo muna sa ngayon, yung kapakanan ng baby mo. 😊

Napaka laking kasalanan kung mag papalaglag ka..marami dyan naghahangad mag ka anak, nahihirapan..tapos ikaw binigyan kana ng blessing naiisip mo pa un?kaya good thing ndi mo ginawa..kung di ready sana naging safe kayo, need mo panindigan at mahalin ang baby mo kahit anong sitwasyon kasi unang una, ginusto nyo yan gawin and 2nd wala syang kasalanan kung anong maging sitwasyon nyo ng tatay nya..be thankful kasi binigyan ka ng napaka gandang blessing..sa baby mo nalang ituon lahat ng pag mamahal at atensyon mo..dasal ka lang maayos din ang lahat✌

VIP Member

wala po kayo dapat ikahiya blessing yan ang dapat mahiya dito yung bf mong walang bayag hayaan mo na lang sya hindi sya kawalan sa inyo mag ina. sabihin mo na habang maaga pa sa parents mo para may mahingan ka ng tulong at masandalan ngayong mga panahon na eto. Importante ngayon magpakaina ka at panindigan mo yang baby mo. Kung igigiit pa din ng bf mo ipa DNA ang baby hayaan mo at pag napatunayan na kanya yun sampal mo sa kanya yung resulta bilang ganti sa stress na dinudulot neto sayo ngayon. Kaya mo yan sender. Walang hindi kaya ang isang ina.

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles