wais na mommy
Ginagawa niyo rin ba yung dalawa yung pre-natal check ups niyo? Isa sa private OB niyo and isa sa health center? π Since taga-Makati ako, maraming health benefits pag buntis din. Libreng check up sa health center, vitamins at lab tests. Pag nagpapa check up ako sa OB ko and nagrerequest siya for lab tests, sa health center ko pinapagawa, sinasabi ko lang sa medical doctor sa center kung ano yung mga tests na pinapagawa ni OB. Nakakatuwa kasi nakakamenos sa gastos especially sa mga vitamins and lab tests. Usually, ang gastos lang namin is yung mga di avail sa center na tests, tska yung ultrasound and consultation fee kay OB tska milk. May bonus pang baby kit na may laman na 30pcs NB diapers, one set of baby clothes with blanket na rin. Haha. Basta may Yellow Card lang. Choice mo na lang kung saan ka manganganak na hospital/lying-in. Ako kasi dapat sa Ospital ng Makati para walang bayad kaso dahil sa pandemic, ayaw ng mother and MIL ko dun na lang ako sa private lying in clinic nung OB ko. Btw, I still have multivitamins pa pala na sobra since may supply pa sila na binibigay sa 'kin every month. I'm on my 38th week kaya po inadvise na ni OB na stop na ako ng multivitamins. Pwede ko po ibigay na lang yun, just PM me. Sagutin niyo na lang po yung shipping fee. π