Magbigay ng isang tip kung paano magiging wais ang anak sa pera!

Get a chance to win FREEBIES from Saffi Squirrel! 1. Magcomment ng isang tip para maturuang maging wais ang anak. 2. Pumunta sa https://tap.red/q59ts para sa full mechanics. Contest ends on Sept. 12

Magbigay ng isang tip kung paano magiging wais ang anak sa pera!
102 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
TapFluencer

Ang unang step talaga sa pagtuturo sa ating mga anak ay ang maging good example tayo sa kanila dahil kung ano ang nakagawian at nakikita nila sa kanilang magulang ay yun din ang kanilang susundin. Isang tip para maturuan ko ang aking anak ay ang pagsama ko sa kanya sa pamimili sa grocery. Habang kami ay namimili, naiipapaliwanag ko sa kanya ang mga dapat unahin na sasapat sa dala naming budget. At kung may sobra lamang ay saka kami pwedeng kumuha ng extrang chips o kung ano mang gusto niya ipabili. Mabisa itong paraan para matutunan nila ang "needs over wants". Sa simpleng paraang ito ay matatandaan nila at madadala hanggang sa kanilang paglaki. #WaisTip4kids

Magbasa pa