10882 responses
Totoo po ang lahat nang witchcrafts, nasa bible po yan kaya totoo talaga yan. Demonic ang lahat nang yan. Naranasan kopo yan kaya alam kong totoo. Nung nagtrabaho kasi ako madaming nanligaw sakin halos lahat nang lalaki dun sa pinagwoworkan ko nanligaw sakin pero lahat sila nireject ko kasi may boyfriend ako at sobrang ok kami at mahal na mahal ko. Kinukwento kopa nga sa kanilang lahat kung gaano ako ka mahal nang bf ko at kung gaano ko din kamahal ang bf ko. Then one day bigla nalang akong nagising gusto kona agad ung katrabaho kong nireject kolang noon. Bigyan ko siya nang pangalan pero fake to hide my identity. Ang pangalan niya ay Mike. Nung una para akong giliw na giliw pag nakikita ko ang tao na yun at kapag kasama ko. Nung nalaman nang bf ko nasaktan siya at naghiwalay kami. Hindi ko nagawang kausapin siya kasi kahit ako diko alam sasabihin ko sa bf ko kasi ung nangyare sakin hindi ko maexplain, naisip kolang baka dahil lagi ko kasama sa work. 2 months have passed, parang bigla nalang nag sesecond thoughts nako sa taong yun si Mike. Nagpray ako na tulungan ako sa pinagdadaanan ko. Mula nun unti unti nakong parang nakakapag isip na nang tama. Narealize ko, naalala ko lahat nang pinagsamahan namin nang bf ko, sabi ko ganun ang pagmamahal na tunay hindi yung kagaya saamin ni Mike na masyadong sudden at wala naman pundasyon yung mga pinagsamahan namin. Mahal ko pala bf ko diko alam bakit ko nakalimutan. Tapos yung giliw na nararamdaman ko kay Mike biglang napalitan nang matinding galit, pandidiri at punong puno nang pagtataka. Hindi ko maipaliwanag pero feeling ko manipulation ang ginawa niya sakin. Nilayuan ko siya sabi ko babalikan kona bf ko magsosorry ako. Sabi ni Mike ayaw na daw sakin nang bf ko, hindi na daw kami magkakabalikan sinusumpa daw niya. Nagalit ako nun di ako palamura na tao pero that time sa sobrang galit ko namura ko siya. Lagi ako nasasabihan sa trabaho na tulala, lutang. Tuwing hindi kona siya pinapansin, mas lalo siyang lapit nang lapit, since mag katrabaho kami may kaunting professionalism ang natira sakin kaya kinakausap ko pag work related. Ang diko maintindihan bakit tuwing kinakausap niya ako kahit work related lang naman parang biglang umaamo ulit ako sakanya tas biglang pag wala na siya matinding galit na naman mararamdaman ko. That time di pumasok sa isip ko na gayuma yun kasi di naman ako naniniwala sa mga ganun dati. Nagpray nalang ako na tulungan ako at bigyan nang sign. Days after, sabi sakin nang mama ko magresign nako at puntahan ko bf ko kausapin ko daw. Ayun na siguro ung hinihingi ko na sign kaya naghanap nako ibang trabaho then after a month nagresign nako. Pinuntahan ko agad bf ko and willing naman siyang ayusin, pinuntahan ko siya sa bahay nila, sa trabaho, then pinuntahan ko ulit inaya ko magsimba. Nagpapray ako lagi nun na tulungan ako maintindihan lahat nang nangyare sakin at tulungan ako. Then bigla ako may nakilalang albularyo, nakakwentuhan ko siya and sabi niya mukha daw ako may pinagdadaanan kaya kwinento ko, sabi niya nagayuma daw ata ako patingin daw picture ni Mike saka pangalan and sabi niya gayuma nga daw at tumama naman ung mga sinabi niya about sa tao na yun. Advice niya sakin palagi daw ako magdasal. Dasalin ko daw ama namin, aba ginoong maria at Sumasampalataya tuwing umaga at gabi at may mga iba pa siyang pinagawa. Binigyan niya rin ako nang protection kasi ung Mike daw hanggang ngayon dinadasalan kami nang bf ko para maghiwalay kami at di magkaayos. Ayaw daw na maging masaya ako sa iba, gusto ay sakanya lang ako. Natakot ako nun at sobrang shock blinock kona si Mike at nag leave ako sa lahat nang GC na nandun siya dahil sabi un nang albularyo. Nung nalaman kona nagayuma ako dina ako nakabalik sa bf ko kasi para akong nadepress kasi nasira kami nang bf ko dahil sa demonyo na yun. After one month, medyo okay nako, pinuntahan ko bf ko kwinento ko na nagayuma ako. Nagsorry siya saakin at niyakap niya ako di niya daw alam na ganun nangyare sakin. Sobrang taka daw siya na nagkagusto ako sa iba sa kabila nang pinagdaanan namin sa hirap at ginhawa. Sa isang iglap naging ibang tao na daw ako at di na niya ako kilala, naisip lang daw niya baka nag iiba talaga ang tao. Kasi di naman daw ganun ang pagkakakilala niya saakin kasi matagal niya akong niligawan bago ako naging girlfriend. Nagkabalikan kami nun at nag uusap na ulit sa chat. Sabi niya tutulungan niya ako maka move on, magsimba daw kami pupuntahan niya ako sa day off niya. Magpasalamat daw kami sa Diyos na niligtas ako at nalaman niya ang totoo. Mahal na mahal daw niya ako at di yun nawala, nagtataka lang daw siya kasi dina ako bumalik, sabi ko dina ako bumalik kasi natuklasan ko na nagayuma ako diko matanggap. One week have passed biglang naging ibang tao na siya, hindi kona siya kilala, hindi kona siya maintindihan. Sa 3 years of knowing him alam kong iba talaga siya. Sabi niya sakin hindi daw siya naniniwala sa lahat nang sinabi ko, parang in one snap nakalimutan niya lahat nang pinag usapan namin, nakalimutan niya na ok na kami. Hinayaan ko siya. Sabi nung albularyo dinadasalan daw kasi ako at si bf para di kami magkabalikan. Di lang daw naepekto sakin kasi may protection ako, si bf kasi ay wala. This happened very recently lang. Right now hindi ko alam kung maging ok paba kami nang bf ko. Sabi kasi nang albularyo hayaan kolang daw muna bf ko at makakapag isip din yun nang tama. Kwinento kopo ito sainyo para maging aware kayong mga makakabasa na totoo po ang lahat nang witchcrafts kaya palaging magdasal para may protection kayo. Sana po isama niyo ako sa prayers niyo na maging ok na ang lahat sa buhay ko. Sana po mawalan na nang bisa ang spell sa bf ko para makapag isip na siya nang tama.
Magbasa paTotoo yan. Bf ko na asawa ko na ngayon nangyare yan sakanya. Pag kasama ko laging tulog o kaya di mapakali, yun pala ginayuma na nung naging babae nya. Nagpagamot din ako non kasi pati ako pinapadasalan na wag mabuntis, ayon nung nalaman ko na nagayuma si hubby at pinapakulam ako nagka trangkaso ako 4 days tapos pinatawas ako at pinagamot isa lang nakita babae galit na galit daw sakin kasi di ako maiwan ng asawa ko 😂
Magbasa paYes totoo. Yung pinsan ng asawa ko nagayuma ng napunta ng province. ilang yrs syang may pamilya dun pro tlagang may official fam sya dto sa manila. May bnuksan lang syang parang jar tapos nagsing na sya bgla d nya alam asan sya. Napakapanget nung babae na asawa kuno nya. Ngkaanak pa sila. Buti nalang hnayaan sya umalis at gulat yung orig fam buhay pa sya. Nagsorry yung naggayuma sakanya.
Magbasa payespo so tro nakakapag taka nga lg, kase ginayuma ang pinsan ng asawa ko sobrang kawawa posiya grabe sya Po talaga ppunta sa bahay Ng lalake at nag iiba itsura Ng babae sobrang nakakapanibago Po tapos ayun Pina gamot sya nalaman nga na ginayuma halos galawan ng lalake sa panliligaw ginawa nya
kase base on my experience ginawa to ng kaibigan ko sa crush nya..may nilagay cxang eme eme dun sa iniinom ng guy..kaso wala nman nangyare...hindi padin nman cxa pinansin nung lalake..maliban nalang kung kag kailangan sa kanya...saklap😅 at the end hindi padin sila nag katuluyan.
Promo terbesar expert care sudah dimulai, diskon hingga Rp.100.000 sedang berlangsung di shopee, ada juga voucher diskon 100% alias gratis bagi bunda yang beruntung. Buruan cek di https://shope.ee/9UfEMMqqTg (id-45359)
Yup. Kasi yung tito ko ganan. Hanggang ngayon sunud-sunuran pa din sya sa pamilya nung asawa nya. Sobrang extreme ng pagsamba nya sa asawa nya. Kakaiba na talaga.
Totoo ang gayuma eepekto lamang ito kng hndi ka gaano nananampalataya ng husto sa diyos. Dpat malakas ka na malapit tlga sa diyos pra hindi mgkaron ng bisa
Oo proven experience NG best frnd ko. Nang nanganak siya.. Mawala nag pagmamahal sa asawa niya in iwan niya eto. Kc napakapanget paningin niya.
sorry indi po ako naniniwala sa ganyan.. Pag my true Jesus po tau sa heart, sa Kanya lng po tau dapat maniwala..