mother in law (MIL) na nakakabwiset na

may ganyan din ba kayong MIL? yung kada tawag sa asawa nyo o kada tawag ng asawa nyo sa kanya after non mwawalan kami ng pera kasi puro hingi ang alam.. nakakabwiset na kasi. kada maririnig ko boses nya puro "may pera ka ba dyan?" okea "bigyan mo naman ako ng ganito" or "loy padalhan mo naman ako ng pera mo". nakakarindi na kasi mga momsh. dating ofw si hubby. at buong pagtatrabaho nya sa abroad sa family nya lahat napunta. ok lang kasi hindi pa naman kami kasal noon. sabi ko baka pag kasal na kami ok na. yung bubuuing pamilya na namin ang priority nya. kea nagantay ako.. for more than a decade na relationship namin for him to marry me. pero hanggang ngayon may anak na kami. ganun pa din. hindi na ofw c hubby kea hindi na malaki sahod nya. nagstop sya bago kami ikasal. i onced asked my husband, "ganto pa din ba yung sitwasyon naten.?" then sabi nya sakin hindi daw. preggy ako that time and wala ng ginawa yung family nya, specially yung MIL ko na walang ibang alam kundi humingi ng humingi ng pera samin. monthly ba naman nanghihingi. ok lang kung mayaman kami. may kabuhayan sila at wala ng pinagaaral dahil bago kami ikasal ni hubby nakatapos na lahat ng kapatid nya. dahil yun ang bilin ng nanay nya. bawal sya magasawa hanggat hindi pa nakakatapos bunso nila. hindi panganay si hubby pero kasi yung mga ate at kuya nya nagsipag asawahan na agad. kea sa kanya naiwan yung responsibility.. nakakainis lang.. kasi pakiramdam ko hindi ko deserved tong life na to. kasi nung nagaantay ako puro promise si hubby na babawi sya sakin. pero hanggang ngayon napako na yung promise nya.. at wala ng ibang ginawa kundi alalahanin yung nanay nya. yung MIL ko na ultimo pambili ng cake nung bayaw ni hubby samin hinihingi. pero nung nagbili kami ng gamit ng anak namin na apo nya sabi ba naman wag daw bilhan ng bago kasi masasanay. e san ko kukunin yung gamit ng anak ko? sa basurahan? ni wala naman silang ambag samin ng baby ko. kada tatawag yun alam na this. mawawalan kami ng anak ko. nakakabwiset. lagi ko tinitipid sarili ko kasi sabi ko para kay baby nalang.. pero itong asawa ko binibigay naman sa nanay nyang mukhang pera (sorry sa term pero mukha talaga syang pera), at nakalimutan na atang may asawa at anak sya. nakakagigil talaga. sana wala ng MIL na ganyan. kasi ang toxic nila sa buhay. #1stimemom #Curious #advicepls

2 Replies

awww mi kausapin mo po ang husband mo. May kabuhayan naman pala sila at wala ng pinag aaral, malaking ginhawa na un sa kanila. Kayo na ang priority, kaya siguro sa asawa mo hingi ng hingi kse hindi naman maalam tumanggi ang husband mo. Alam ni MIL na bbgay ta bbgay un. Hindi naman msama tumulong pero may family na kayo. Kausapin mo na mi ng maayos baka sa bandang huli kapag kayo naman ang nanga ilangan walang tumulong sa inyo.

naku momsh.. ilang beses ko ng sinabi sa asawa ko.. pero ganun pa din.. ok lang naman kung emergency. e kaso kapritso nalang samin pa hihingin.. samantalang nung naospital anak ko ni piso di man lang nagbigay kahit alam naman namin na umani sila sa manggahan. ang laki ng gastos namin sa hospital tapos kami pa hihingan. nakakawalang gana. malapit ko na isoli yung anak nila. gawin nilang money machine hanggang pagtanda. hindi nmn yung pera ang ikinakasama ng loob ko. yung maaalala lang kami pag hihingi. kada tawag pahingi agad okea padala ka ng pera agad. hindi ba pwede kamustahin muna kami o kahit yung apo lang nila. pero nung kami yung nangailangan ni isa sa kanila walang tumulong samin. yung FIL ko nga ni kamusta sa apo nya wala. kahit alam nya inoperahan.

pero momsh better din kung kausapin mong mabuti yung asawa mo. dapat marunong nadin syang tumanggi. isipin nya na may pamilya nadin syang kayang buhayin. kung kaya nyang magbigay na hindi nasasacrifice yung para sa inyo, why not. pero kung ganyan dapat marunong din syang humindi.

ilang beses ko ng kinausap momsh.. kaso hindi makahindi sa nanay nyang palahingi. nakakaumay na kasi yung ang bungad lagi ay pahingi, padala ka, ibili mp nga ako ng ganto, gusto ko ng ganyan. nakakatulilig na sa tenga. hahaha.. inaantay ko nalang lumaki tong baby ko. para makapagwork na ako ulit. wala kc magaalaga. tapos yung asawa ko lagi pang gusto dun tumira sa side nila. yung ang layo nga namin dun nahingi pa din pano pa pag dun kami tumira? wala nang para samin ng anak ko kasi kukunin yun ng pamilya nya. magkatrabaho lang talaga ako ulit. sa kanila na yung anak nila na ginagawa nilang ATM. mabait naman sana c hubby. kaso sobrang toxic ng family nya. at feeling ko hindi nya kayang i-let go yung family nya kc pamilya nya yun. kea kami nalang anak ko ang maglelet go. tutal alam ko na hindi nya kami pipiliin pag pinapili sya if yung family nya or kami ng baby namin. sad pero ganun talaga. iniisip ko nalang kelangan fighting lagi para sa anak ko. para anak ko nalang.

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles