May gantong case po ba dito??

May gantong case po ba dito katulad ko 9weeks na po ako ngayon sa lmp ko. dec 28 po last menstruation ko kaso po pag ka ultrasound ko is 5weeks and 5 days palang po ako meron na po nakitang gestational sac pero wala pa po baby at heart beat. sabi ng ob ko meron daw po talaga late nagdedevelop ang baby pinapabalik po ako next week para mag patrans v ulet may spotting din po ako ng bleed pero hindi naman po ganon kalakas like regla. niresetahan po ako folic and duphaston #advicepls salamat po.

May gantong case po ba dito??
18 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

ganyan din po yung sakin, dec 22 ang LMP ko then nung nagpaultrasound ako, may sac na nakita pero walang baby at heartbeat sa loob. and sabi ng nagultrasound, 5weeks palang ang size ng sac pero kung ibebase sa dec 22 na last mens ko, dapat nasa 6weeks na sya. mula dec gang ngayung march may bleeding ako at cramps. folic acid and duphaston din ang reseta sakin. after 1week nagpaultrasound ulit ako, ayun may baby na and may heartbeat na sa loob ng sac.

Magbasa pa
2y ago

yes po magiging okay din yung sayo mommy.. 🙂 ako until now may bleeding pa din eh. total bed rest ang advise kaya need ko magstop muna magwork. kasi ang sabi ng OB sakin, under threatened abortion pa din ako.

same case tayo momsh.. lmp q is dec 11, jan21 nagspotting wla nkitang khit na ano just thick lining pro positive s PT at blood test kya pinagtake aq duphaston q 3x a day. comes feb 19 supposedly 10weeks nq, may nkita ng gestational sac and as it turns out 5weeks 2 days ang gestational age. eh nagspotting aq ulit kya pinagbedrest aq 2 weeks and up to now continues p rin folic at duphaston. balik OB aq tomorrow, sna mkita na c baby.

Magbasa pa
TapFluencer

ganyan po sakin. dec 7 last mens ko po. feb nagpa check up ako, 5 weeks palang. then wala pang nakitang baby kahit may sac na. usually, need ng repeat ultrasound after 2 weeks. and thank God pag balik namin may heartbeat na and nakita narin si baby. pray ka lang mommy and wag mastress or mag worry. magpapakita yan pag balik nyo. drink ka lang meds na nireseta sayo.

Magbasa pa
2y ago

Uminom ka pa din po ba ng duphaston dun sa 2 week wait mo? Yung nireseta kasi sakin 2x a day for 1 week kasi sumasakit sakit puson ko na parang dadatnan. E ayoko na muna sana magpacheckup until magkaroon na embryo sa ultrasound. Iniisip ko kasi kung ituloy tuloy ko lang ba yung paginom ng duphaston.

Ganyan saken sis, Dec.1 last mens ko so dapat pag trans v ko ng Feb. 10 10weeks 1day na baby ko kaso nakita sa trans v 6weeks 1day palang pero saken naman may nakita ng sac at baby then may heartbeat na din sya.. Tama yan balik ka after 2weeks too early pa kasi ang 5weeks para mkita si baby at ung heartbeat.. Iwas ka sa mga bawal at stress kasi nagbleeding ka pala..

Magbasa pa

Ganyan din yung akin ngayon. LMP ko January 22. Nagpaultrasound ako today no embryo and yolk sac na nakita. Gestational sac pa lang, 5 weeks 5 days. For f/up ultrasound in 2 to 3 weeks. Sana meron ng laman that time, mag 2years na din kami nagtatry magkababy ng mister ko. 🙏

ako din mami 8weeks sana ako pero yung size ng baby ko 6weeks pero normal naman daw sabe ng OB. Nagkakaroon lang po tayo ng spotting kung 4weeks below kase dun umuuka si baby sa uterus. pero kung ganyang stage need mo tlaga ng duphaston pampakapit 😊

Repeat scan ka po kasi wala pang heartbeat..Paiba-iba din talaga ang weeks ni baby lalo na pag masyadong maaga nagpa-scan at PT..Best magoa ultrasound if mga 8 weeks pataas na..para may heartbeat na at kita na siya sa screen..

Bed rest ka muna po mommy o kaya limit muna ang movements kasi may subchorionic hemorrhage ka ganyan din ako kaya pinag take din ako ni ob ng duphaston lalo na kung may bleeding. Praying for your safety ni baby❤️

VIP Member

ako po lmp dec.25 nagpatransV po ako Nung Feb 15 po.4 weeks and 2 days po Yolk Sac palang po Ang Nakita ok lang po ba at corpus luteum sa L.Ovary pero both ovary is normal po .ano po yolk sac po?

sakin nmm po last mens ko is dec 30 kaso pinapabalik ako kasi is to early pa daw pero may sac na nkita sakin d nmn ako niresetahan ng duphaston . folic acid lng tska vitamins lng binigy sakin