4 Replies
Mabilis lang ang cs operation, mahirap lang yung pagkatapos ng operation. Need mo ng aalalay sayo kasi pati sarili mong katawan di mo mabuhat kasi sobrang sakit ng sugat mo. Sa ospital pa lang pag need umihi, pahirapan sa pagtayo sa bed. Di naman pwede buhatin ka lang kasi kailangan mong masanay sa weight mo. Ako para lang mkaupo sa gilid ng bed, iuusog ko ng konti konti ang katawan ko habang nakahiga tapos pag nasa edge na, papatulong ako bumangon. Tiis lang sa sakit kasi bago ako lumabas ng hospital gusto nila nakakalakad nako mag isa although may wheelchair naman paglabas ko ng hospital. Pag uwi sa bahay, pag papadedehin na si baby (breastfeed kasi), papatulong pa ko bumangon at umupo. Sa awa ng Dyos naman nakayanan ko. Need mo lang ng support sa husband at sa family mo for a few days na mahihirapan kang bumangon. Eventually masasanay na katawan mo at makakayanan mo nang bumangon mag isa.
saglit lng po ma cs mommy ung mahirap po tlga after po macs kasi sobrang sakit po nung sugat ,halos di ka makagalaw sa sakit di ka mkabangon kelangan po ng may mag.aalalay tlga sayo,pero kelangan mo pilitin mkapaglakad,kc sv ng ob ko nun kinabukasan pilitin ko dw mkatayo at makalakad kelangan dw para maayos din ung bituka.,pag.hndi dw naayos bka dw maoperahan ulit aq kaya natakot aq..pinilit ko tlga mkatayo at mkapag.lakad kahit ang sakit,so ayun nakayanan naman magpaalalay ka lng tas mga ilang araw mkakatayo kna ng wlang nag.aalalay
Super sakit lalo wala na epek ng gamot at habang di pa oras ng inom, gusto na mag meds para maalis kirot. Mahirap mag sneeze, ubo at matawa😂 masakit!
Same po tyo transverse lie po sna umikot pa cya
Shen Guerrero Wilford