Morning Sickness

Ganito pala kahirap magbuntis ano? Dalawang linggo na siguro akong pabalik-balik sa CR, buong araw lang akong sumusuka. Walang pinipiling oras. Sa umaga kung kelan walang laman yung tyan ko. Sa gabi kung kelan busog ako. Hindi ko maintindihan. Binaba na ni Rommel yung kama dahil natatakot siyang akyat-baba ako sa hagdan. Sabi ng doktor ko, normal lang daw yung ganitong pakiramdam. Sabi ko, bakit yung mga kakilala ko, hindi nakaranas ng ganito. Sabi niya, mataas lang daw yung sa hormones ko. Hindi naman daw maiiwasan yun. Parang gusto ko na lang umiyak at magmakaawa, wala na ba talagang paraan. May mga nireseta lang sa aking vitamins, tapos naisusuka ko rin. Parang ni-re-reject talaga ng sikmura ko. Natakot na nga akong pag-iinumin yung mga yun. Tapos yung mga paborito kong kainin at inumin noon, ayoko na ngayon. Marinig ko lang na may magbanggit, naduduwal na ako. Ayoko ring maamoy at makita. Mahirap, kasi kahit yung mga gamit sa pang-araw-araw, gaya ng toothpaste, sabon, at shampoo, hindi ko ma-take yung amoy. Hindi ako makatapos sa mga trabaho ko. I mean, hindi ako makapagsimula. Wala lang, nakakapanghina. Nakakaiyak. #pregnancy

11 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

don't worry mommy, I had the worst 1st trimester too umabot pa ng upto 4 months, I lost 4 kg because of it. Lilipas din po yan and you will be okay. eat crackers and fruits para kahit papaano may laman ang tyan and lumaki si baby, just think that it will be over soon! drink cold water or ngumuya ng ice para ma lessen yung sick feeling. Godbless mommy!

Magbasa pa
4y ago

yup. Cold water and Ice are life saver. Yung crackers, di nagwork sakin lalo akong naduduwal.