Ansherina May D.  Jazul profile icon
PlatinumPlatinum

Ansherina May D. Jazul, Philippines

VIP Member

About Ansherina May D. Jazul

Soon to be mom.

My Orders
Posts(6)
Replies(26)
Articles(0)

Baby's Heartbeat

First time marinig ni Rommel yung heartbeat ni baby. Hindi siya makapaniwala. Kaya pinaulit niya. Ganyan daw pala yung tunog. Tuwing may check-up kasi ako, palagi lang siyang nasa labas ng clinic/hospital. Dahil sa pandemic, yung mga soon-to-be tatay hindi pwede samahan yung pasyente sa loob. Kaya ayun, hindi niya na-witness yung likot ni baby, paggalaw ng kamay, at pagsipa. Edi sana sabay naming pinapanood si baby sa monitor at pinapakinggan yung heartbeat. Tuwing pagtapos ng check-up ko, kelangan ko pang i-echo sa kanya lahat ng sinabi ng OB ko. Kelangan ko pang i-drawing sa papel kung anong posisyon ni baby at kung saan siya nakaharap. Sa mga picture lang kasi ng ultrasound niya nakikita. Sabi ko pa naman sa kanya, alam mo, iba yung feeling kapag nakikita kong gumagalaw at naglilikot siya sa loob. Nakakalusaw ng puso. Pero paano ko naman ide-describe sa kanya yun di ba. Meron pa nga, nung dinala ako sa emergency room, syempre ako lang ulit yung pwede sa loob. Hindi ako mapakali nung nakahiga ako. Ganun pala pag walang kasama tapos kinakabahan ka pa. Ang tagal kasing mahanap nung heartbeat ni baby, nakailang kapa sila sa tyan at puson ko. Pero ayun nakahinga rin nang maluwag, nung narinig ko. Tapos nilipat ako ng room. May titignan daw sa akin. Binuka ako. Napaaray talaga ako. Sa sobrang sakit, napakapit ako sa assistant ng doctor at napahigpit yung hawak. Yung mga ganung moment, tapos wala si Rommel sa tabi ko, parang ang hirap. Kanina, napabili kami ng doppler dahil na-paranoid na naman ako. Para na rin hindi na kami pabalik-balik sa clinic at hospital, kasi parang araw-araw/linggo-linggo kaming nandun. Ayun, kahit papaano, nakakabawas ng pag-aalala ito. At pwede niya pang pakinggan ulit yung heartbeat ni baby. #pregnancy

Read more
Baby's Heartbeat
undefined profile icon
Write a reply

Panahon ng Paglilihi

Akala ko cute sa feeling yung naglilihi. Yung tipong sasabihin mo lang sa partner mo lahat ng gusto mong kainin, tapos ibibigay niya. Yung magke-crave ka sa madaling araw ng mga weird na pagkain tapos hindi niya alam saan kukuha ng ganun sa oras na yun. Akala ko kasi pag buntis required na may favorite ka. Yun lang kasi mga alam kong kwento. Hindi pala. Tungkol din pala ito sa mga ayaw mong kainin, ng baby mo. Parang si baby yung namimili kung ano yung dapat ilalagay mo sa sikmura mo. Yung mga paborito kong manok, sabaw, snacks, biglang ayoko na. Susuka na ako maamoy ko palang. Ito pa, palagi kong sinasabi kay Rommel na siya na bahala sa meal namin dahil wala naman akong gusto o hinahanap, kahit ano lang ba, ang ending hindi ko rin kakainin kasi hindi ko pala gusto. Simula nung nandito na ako sa stage na ito, biglang hindi ko na trip lahat ng luto niya, kaya hindi na rin siya nagluto. Nangangapa pa kami nung una. Kung ano-anong pinag-i-stock namin sa ref na hanggang ngayon nandyan kasi hindi ko naman kinakain. Kahit sa inumin, marami rin kaming pinagpilian, sa distilled lang ako hindi sumuka. Ang problema ko kasi, may mga oras na hindi ko alam yung gusto kong kainin, dahil mas marami pa akong ayaw. Kulang na lang gumawa siya ng listahan ng mga likes and dislikes ko. May mga time pa nga na parang ayoko na lang kumain kesa isipin ano ba talga yung gusto ko, kasi paiba-iba talaga. Nahihirapan na akong manghula. So ayun, akala ko cute maglihi. Hindi pala para sa akin. Yung iba kasi ang cute, gusto nila ng toyo sa saging. Ganun. May isang beses din naman na nag-request ako kay Rommel, sabi ko parang ang sarap ng apple sa ketchup. Ayun di ko na inulit. #pregnancy

Read more
undefined profile icon
Write a reply

Severe Morning Sickness

Mas mahirap pa pala 'to sa inaasahan ko. Ang alam ko lang naman noon, mahirap manganak. Kitang-kita ko noon kung paano umiyak yung nanay ng pamangkin ko nung nagle-labor siya. Kung paano niya tiisin yung sakit at hilab. Ang sabi ko pa nga sa kanya, parang ayoko na lang magkaanak. Mukhang hindi ko kakayanin. Ngayon pa nga lang, hindi ko na kaya. Ganito pala kahirap magbuntis. Nung mga nakaraang linggo, kinakaya-kaya ko pa yung morning sickness pero parang bumibigay na yung katawan ko. Mas lalo akong naging mapili. Konting amoy at ingay lang, susuka na ako. Lahat ng pagkain at iniinom ko, sa banyo lang din napupunta. Dumating na ako sa point na wala na akong ganang kumain at uminom. Tapos idagdag mo pa yung naging mapait yung panlasa ko. Nanginginig na yung mga balikat ko at lambot na lambot na yung tuhod ko tuwing lumalabas sa CR. Sa gabi, hindi agad ako nakakatulog. Hindi ako dinadalaw ng antok. Nalulula ako pag nakahiga lang. Nakakailang ikot, lipat ng unan, palit ng pwesto, bago ako makatulog. Tapos bigla ka lang magigising sa madaling araw, para lang sumuka. Gustong sumuka ng sikmura ko pero walang maisuka dahil wala naman nang laman yung tyan ko. Mahihirapan na naman akong bumalik sa tulog. Gigising ako sa umaga, at maaalalang isang mahabang araw na naman ng pagsusuka para sa akin. Iiyak na naman ako. At iiyakan yung maliliit na bagay. Gusto ko namang gawin yung best ko. Sabi ng nanay ko, labanan ko raw kasi wala raw mangyayari sa akin. The fact na ang hina-hina kong tao, paano? Ang dali lang namang sabihin, pwede bang umayaw na? Madali lang namang pabayaan yung sarili, pero yung maaalala mong hindi naman ito tungkol sa iyo kundi tungkol sa dinadala mo, mas lalong gusto ko na lang umiyak dahil hindi pwedeng sumuko. Sana malagpasan na namin 'to. #pregnancy

Read more
undefined profile icon
Write a reply