Ganito ba talaga pag mag asawa na? Yong tipong okay lang sa partner nyo kahit ndi kayo masyado magkausap sa maghapon? Day off namin kahapon pareho. Ldr. Nasa saudi sya. Libangan nya ML. Nakapag usap naman kami dalawang 20min na video call. Tapos dalawang tag 10min na voice call. Nong last na usap namin 10:30 sabi nya maya na lng ulit 1am. Nong 1:20am sabi nya matulog ka na kase mag lalaro ako. Ewan ko kung OA lang ako sa nrramdaman ko na orang nabalewala ako. Na parang di nya naisip yong value ng oras ko. Ewan ko nalulungkot ako. Nakakamiss yong tipong matagal kayo mag usap. Naiiyak ako na baka nagsasawa na sya sa akin? Andami dami kong naiisip. 23weeks na akong pregnant. Kakakasal lng namin nong July 27 tapos umalis sya August 1. Wla akong mapaglabasan ng sama ng loob kaya dito na lng. :(
Anonymous