Loss Weight

Ganito ba talaga pag 1st tri mo nawawalan ka ng gana sa pagkain? Kase nabawas ako ng 5kg pero hindi naman ako nagpapalipas ng gutom, pag nakakaramdam ako ng gutom kumakain ako ng fruits or umiinom ng water (not cold)

19 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Normal, ako po nung 1st trimester ko halos ayoko kumain, mga unang weeks, normal sinasandok ku ung normal ko na dami ng kain, tas nauumay nako, onting subo ko palang, ayaw ko na. kung itutuloy ko nakakasuka na ๐Ÿ˜‚ kaya ayun. bumaba timbang. gang nag 3 mos. pinapagalitan nako ng ob ko, sabi mula 1st check up ko daw d nadadagdagan timbang ko. tapos pag tungtong ng 4th month kalagitnaan nag kakagana nako kumain. :) tapos etong 6 mos. tumakaw nako ๐Ÿ˜…๐Ÿ˜‚

Magbasa pa
VIP Member

yes mommy, same tayo. ganyan din ako, walang gana and lahat sinusuka ko kasi after kumain kaya naglolose ng weight. I suggest having small frequent meal, madalas na kain pero konti konti lang. try having crackers and some orange juice.

Normal yan sis.. kumbaga naninibago pa katawan naten.. ako din namayat at nahaggard.. cguro dahil nadin sa lihi.pero nung nag second tri..bumalik na sa date at bumigat pa ko hehe.. going to third trimester now.. :) keep safe.

Ako po.. pumayat nako ng pumayat ai. 2nd tri ko na rin now..pero di pa nawawala pagsusuka ko. Lagi pa ako may migraine tapos kagabi ng vertigo at nosebleed dahil siguro na rin sa insomnia.. di ako nakakatulog pag gabi:(

Normal lang po ako po dati from 46kg - 39 kg hehe. Diagnosed po with hyperemesis gravidarum with entire pregnancy until 9 mos nagsusuka parin po ako

1st tri ko din po nagbawas ako ng 4kilos in 1 week. Normal naman kain ko nun. Pero nung 2nd tri na nagtakaw na ko and tumaas na timbang ko ๐Ÿ˜…

Normal sis, ganyan din ako nun parang di dumadagdag yung timbang nung nag 2 nd tri at papasok nako ng 3rd tri tumaas ang timbang ko kaka kain .

yes po pag 1st tri ganyan talaga pero pag nag 2nd 3rdtri kana tatakaw kana mamsh lagi kanang gutom

VIP Member

Yes momsh. Ganyan din ako 3 months ago. Nagbawas din nga ako ng kilo. Fruits lang kaya ko kainin.

Yes mommy. Normal yan un tipong ayaw mong kumain kahit gutom ka na.. kc ayaw mo ng pagkain