10410 responses
pareho kaming ofw kaya ldr . umuwi kami this year lang jan20 para magpakasal march 5, kami kinasal and march 8 nag pt ako 3weeks pregnant . dipako makapaniwala kase may pcos ako ambilis lang . kaso after 6weeks walang heartbeat ang baby ko pero di ako nawalan ng pagasa kase sabi dito marami daw cases na ganon kaya naghintay pako and after 12weeks nagpacheckup ako kaso wala na talaga pang 6weeks padin yung ultrasound meaning wala na talaga ang babygift ko . april14 I decided na tanggalin na sya kahit sobrang sakit . untill now habang tinatype kuto tumutulo yung luha . may30 nagkameron ako pero diko maintindihan iba talaga pakiramdam ko 2days lang ako nagkaron then june1 bday ng husband ko ,and yes may happenings samin tanda kupa sabi nya while.... alam nyu na . sabi nya "mahal wala akong ibang hiling ngayong bday ko kundi magka baby tayo" .. then sudenly out of nowhere nasabi ko your wish will be granted .. hindi ko alam bat ko nasabi yon . july 3 nananginip ako may baby akong hawak baby kudaw yon . kaya pagkagising wala ako sa sarili ko kumuha ako ng pt at pumunta sa cr .. paglagay ko ng irine wala isa padin yung line kaya bagsak padin balikat ko sabi ko . "hindi ako buntis"π₯Ί tapos pinatong ko muna sa lagayan ng sabon yung pt para iayos ang sarili ko . tapos nung kukunin kuna para itapon diko alam pero parang may bumulong sakin na titigan ko yung pt kaya ginawa ko naman tapos unti unti nakita ko may malabo pang isang line kaya dali dali ako kumuha ng 2pt pa . madami ako reserba pt order ko sa shoppee . tapos ayun nag test ulit ako 2 nga yung line mejo malabo palang pero 2 line talaga . ang saya saya ko at ng malaman ng asawa ko tuwang tuwa din sya . . july14 umalis na ang asawa ko pabalik ng italy at naiwan ako dito sa bahay ng biyenan ko mabait naman sila . aug1 nagpacheck up ko . takot na takot pako kase baka wala nanamang madetect na heartbeat sa baby ko and this time baka hindi kuna kayanin lalo pa at wala ang asawa ko para samahan ako . but while checking up on me sinabi agad ng ob ko na 8weeks and 3days nadaw ang baby ko at may heartbeat sya . ang saya saya ko may heartbeat si babyHOPE . hope ang name nya kase di ako nawalan mg pagasa na magkaka baby padin ako at the age of 30 at sabi dati ng ob ko hanggang 30 lang ako possible na magka baby . kaya eto magkaka babyHOPE nako . π€π€ sakto 9weeks na sya today while i'm typing . mejo napahaba , masaya lang ako sa magiging journey naming magina . π€π
Magbasa pakami 5 yrs kami nagantay bago mabuntis awa ng diyos nabiyayahan ksmi ng malusog na baby girl CS po ako dahil naoperahan n ak ong mayoma ung isang side ng ovary ko may scar na unang advixe ng doktor nmin tanggalin matress ko pero d ako pumayag nagpa 2nd opinion ako ayon ok naman operation ko d naapektuhan at himalang nabuntis tapos sa ngaun buntis ako ulet 1 yr and 7 months na panganay ko. I'm 8 weeks and 6 days pregnant today.
Magbasa pa5 years. Biglaan, fertile po ako nun 1 week pagkatapos ko reglahin, tapos kakatanggal ko lang din ng implants ko 5 months. Then after 5 months nakauwi asawa ko from work, kasi bihira lang sa field ng work nila sila nakakauwi, by batch. Sabi ng ob na pinagultrasound ko pagkauwi daw nabuo ung baby. Eh napaisip ako may ilang days pa bago mabuo ung baby, kaya ung due date ko inadjust ko ng 1 week.
Magbasa pa16 yrs po i married in the age of 20 pero never po akong nabuntis for 14 yrs then nag decide po akong mangibang bansa for 2 yrs kauuwi ko lang last march at ngayon im 7 weeks and 2 days preggy na po ang bait tlga ni lord hnd kmi napagod humiling sa kanya iyak ako ng iyak pag nag dadasal na sna magkababy na kmi...kaya eto ingat na ingat ako para sa baby ko..
Magbasa paNag aral ulit ako kya nag plano ako na mgpa lagay ng implant para hnd ako mbuntis. 2018 implant ko at 2020 inalis kasi 3yrs lng sya. Ayun pgka graduate ko dahil wla nmn ako ginagamit para d mabuntis. Ngaun buntis na ako sa png 2 naming baby. Wla sa plano pero masaya kmi dahil 6y/o nmn na panganay namin at msya dn sya kasi mgkakaroon na sya ng kapatid
Magbasa papagtapas nming ikasal umalis n Asawa ko pa abroad.. 2 years syang d nkauwi dhl s pandemic.. ngaun pwede ng umuwi ng paalam sya ng 1month vacation para magkababy n kami at ako nmn ay kumunsulta sa ob para mabuntis pag uwi ni mister... ngaun 9week pregnant Nako ng twins π₯° salamat sa panginoon Ang bait bait nya sameng mg Asawa..
Magbasa paafter 6 months po sa amin.. Kinasal po kami Jan 2021 kaso po nakunan ako ng Nov 2021 2 days bago po ang birthday ko, this year po 9 days bago ang birthday ko binigyan ako ni Lord ng napakagandang blessings!β€οΈβ€οΈβ€οΈ After a year of trying after ng angel namin, we're expecting our rainbow π
Before our weddingπ€... Yun po kac original plan ko ( seriously & honestly) dapat buntis muna bago kasal π€£.( Takot kac ako ung tipong kasal na pero Wala p baby).. but 7 yrs. In relationship kmi... 2 weeks pregnant n ako nung November ,2019, namanhikan then kinasal ng January 4,2020... ππ
1-2 months. Yun lang kasi yung time na uuwi si husband every year so dapat sharp shooter talaga. π We also prepare like eat healthy food, iwas sa alcohol, and wag pa stress. π Yung youngest baby namin, 3 weeks lang si husband dito Pinas pero nabuo siya kasi timing fertile ako. π
mag 7 taon na kami ngayong november 2021, ngayong july sinagot na ng panginoon ang aking dasal 9weeks pregnant na ako ngayon β€ may pcos ako kaya ako nahirapan mabuntis, hindi ako dinadatnan, nag healthy living ako at naging regular ang aking regla, kaya siguro ako nabuntis na sa wakas.