Takot Magkarga ng baby
FTM 9 months pregnant Hi po mga mommy, naranasan niyo din po bang magkaron ng feeling na takot na takot kayong magkarga ng newborn baby? Ganun kasi ako eh. Takot akong magkarga ng mga newborn. Tamang hawak hawak lang ako sa kamay, or masid masid. Dumaan ang walo kong mga pamangkin na kahit isa di ko kinarga talaga. Sa tuwing itatry ko, iaabot pa lang sakin, naghehesitant na ko at nanginginig. Nag start lang akong kargahin sila kapag mga 8 months pataas na, yung tipong kaya ng isupport ang sarili. Clumsy kasi ako mga ma at minsan, mapwersang kumilos. Kumbaga di gentle kumilos. At natatakot akong baka mapilayan ko yung mga pamangkin kong baby or mabitawan ko or di ko masupport ng maayos. So never talaga akong nagkarga ng newborn until 8 months. Ang worry ko po ngayon, manganganak na ko at yes, nag alala talaga ako ng sobra. Lagi kong sinasabi sa mama ko at mister ko na di ako marunong, di ako bilib sa sarili ko, pero sinasabi nila na natural ko na daw matutunan. Pero nag doubt pa din ako :( Mas lalo pang nadagdagan anxiety ko kasi anak ko na mismo kakargahin ko. Hays sorry mga Ma alam kong mababaw pero para sa akin kasi ang hirap lalo ftm ako. Ano po kayang pwede kong gawin para mawala itong takot ko? May mga alam po ba kayo na newborn seminars, around Metro manila lang? Feeling ko kasi kelangan ko nun eh. Nanunuod ako sa youtube, kaso feeling ko di sapat. Hays. Thanks mga Ma.