ENCOURAGE NEW MOTHERS TO BREASTFEED
To all ftm or new moms Please keep your goal na ibreastfed si baby. Tandaan BREASTMILK is the most expensive milk. Pilit yan ginagaya ng formula milk, and never tong mahihigitan sa sustansya. If inverted nipple, flat nipple ka, may ways po para makapag breast feeding padin po. PROPER LATCHING po ang solusyon. Maliit o malaki man ang boobs mo, may gatas po yan. Same same po sila, may gatas po. Tandaan na ang size ng stomach ni baby pagkasilang ay napakaliit, pero hayaan nyo lang po sila na mag latch o sumuso sayo. Yes, iyakin po ang baby, kasi nasa bagong mundo sila. Malamig hndi tulad ng nasa tyan mo palang sila. Magsusugat po ang dede, asahan nyo po yan. Parte po yan , lalo na kung mali ang paraan sa pagpapasuso. Nipple balm o VCO pwede nyong gamitin. Pero habang di ka pa nanganganak, better to research, mag join sa mga fb groups about breastfeeding and pumping nadin. Please din, wag kayo mag encourage na mag formula si baby, lalo na kung new born ito. Please lang. Gatas ng ina nya angnkailangan. Note din na, ang breastfeeding ay LAW OF SUPPLY AND DEMAND the more na sinususo ni baby ang breast mo, the more din nagsesend ng signal ang katawan mo na magproduce ng mas maraming gatas. And sa mga paniniwala sa mga matatanda, please lang, jusko, uso google, uso magtanong sa pedia. Wag masyadong maniwala s mga pamahiin ha? Sige magtanong ka: 'Pwede ba magpasuso kahit basa ang buhok? ' --May connection ba ung dede mo, sa buhok mo sa ulo? Wag na maniwala sa pamahiin ha. Uso na GOOGLE po ha. :)