Ano ano po ba ang dapat iniinom na vitamins ng 19weeks pregnant?

FTM here. Hi mga mii, currently 19weeks pregnant po. Still, Folic Acid at Calcium Carbonate lang ang tine-take ko na vitamins. On my 1st trimester po, may OB ako since nagwowork pa ako. Pero nung umuwi ako dito sa probinsya, sa health Center nalang ako nakakapagpacheck up. Every checkup ko po, tinatanong ko naman kung may iba pa ba akong kelangan inumin. And wala naman pong ibang nirereseta. May katulad po ba akong case na ganun? Unlike po kasi sa kawork ko dati na sabay ko na pregnant ngayon, madaming vitamins na nireseta sakanya. Nababahala po ako na baka kulang ang tinetake kong vitamins. Salamat po sa mga sasagot.

5 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Normal lang yan mommy. 20 weeks din ako pero ang iniinom ko lang tatlo. Depende talaga sa brand ng vit kasi may vit na kumpleto talaga like OBIMIN. Ako kasi di hiyang sa obimin kaya nag tatlo ang iniinom, pero kung hiyang ako obimin at folic acid lang

2mo ago

Ok lang yan mi, same tayo FTM kaya dami lagi tanong haha minsan pa ang susungit sa center pero wala naman akong choice kasi dun free lang vaccine pag labas ni baby

gnun poh tlga kapag sa center mi,more on multi vit wth iron,kung ttingnan mo poh un content halos anjan nmn poh unh needed na mga nutrients...20weeks here poh,iniinom ko calvin plus,multi vit wth iron and folic,and EPA/DHA...😊

2mo ago

Thankyouu mi. Mag-ask ulit ako sakanila sa susunod kung may kelangan pa ba akong i-take. 😊

ganyan po talaga pag sa center hindi sila masyadong nag rereco ng vitamins, mas better if mag hanap po kayo ng private ob niyo dyan

2mo ago

Thankyouu po. 😊

pinatigil na po ang folic after ng 1st tri then ascorbic, calcium at multivitamins with iron na pp ang vit ko

Magbasa pa

1st tri Folic acid Obimin 2nd tri Iberet (iron+folic) Calciumade Obimin

Magbasa pa
2mo ago

Thankyou po. 😊