Lying in vs. Public Hospital

Hi Ftm here @ 8 months. Buong duration ko po, sa lying in ako magpapaconsult. Maalaga and mababait yung midwife don and OB nila kaya kumportable ako sa kanila magpacheck up. Etong mama ko, pinipilit dn ako magpacheck up sa public hanggang sa nagtry na ako kanina. As usual madalas pag public may masusungit talaga at hindi ako kumportable magtanong. Hindi na nila ako pinabalik sa lying in dahil hindi naman daw talaga nila ako papaanakin dahil bawal daw magpaanak ng first baby ang lying in, magkakapenalty or kakasuhan daw sila at sinasayang ko lang daw yung bayad namin don. True po ba? Kasi hindi ko na din sure san ako magtutuloy na pacheck up.

19 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Yan din sabi dito saamin mi. If first baby, hindi ka pwede sa lying in. Magpublic ka nalang, pero if my budget, hanap ka ng private OB na associated sa public hospital na pag aanakan mo. Para kahit sa public ka manganak, may private OB na aasikaso sayo, para maiwasan mo yung experience na hindi ka maasikaso sa public hospi. Ganyan kasi ako mi. Public ako nanganak, pero private OB ko, todo asikaso sila, kasi pagagalitan sila ni Doctora πŸ˜…

Magbasa pa
3d ago

Nasa 400 po saakin ang PF ng OB ko every check up. Noong nanganak naman ako, di ko na matandaan kung magkano bayad namin sakanya, 30k ata or 40k, CS kasi ako mi, sya nag opera saakin. Di ko sure kung magkano if normal delivery.