5239 responses
ung kapatid ko palaging pinapainom ng sariwang itlog (native) lalo na nung manganganak na siya. Sa laki ng baby niya na dapat daw ay CS ayon sa midwife pero kinaya niya ng walang kahirap hirap. Sabi niya madali lang daw siya nanganak first baby pa niya yon 😊
Ginawa ko din to. Isang itlog lang tapos hinalo ko sa hot chocolate drink. Pag putok ng panubigan ko 7cm agad, isang iri ko lang labas agad si baby. Mama ko ganito din, hindi kami nahirapan mag-labor. Siguro kasi may tulong na din nito. Hehehe
Feeling ko lang. Kasi nung nanganak ako sa first child ko ang bilis kong nanganak hehe. Kumain kasi ako ng native egg ung fresh tlga. Pero sabi nila is for more strength lng daw yun pra di ka mapagod sa kakalabor.effective nmn
di ako sigurado sa sagot dahil may ibang nakapagpatunay ngunit sa pagkakaalam ko isa lang ito sa mga pamahiin ng mga matatanda. nakadepende narin siguro sa sitwasyon ng katawan ng nagbubuntis.
Ginawa ko to 2 pa ang sarap hehehe tas milk na may halong ginger powder, pero di naman masyadong napadali pag anak ko kase malaki si lo, mahigit 10 din akong naglabor nun
Ako po naniniwala kc sa panganay ko pinagawa sakin yan ng biyanan ko dali ko lang nanganak.wala kahirap-hiral.pero sa 2nd and 3rd baby ko hindi ko na ginawa kaya CS ako.
Ginawa ko pero hirap na hirap pa rin ako. Inggit na inggit ako sa ibang nanganganak na parang tumae lang.. ang nilis nila manganak.
Not sure, pero yung ang sabi sabi ng matatamda ihalo daw po sa milk yung raw egg mas mapapabilis daw po panganganak mo kasi madulas.
oo nga eh pero ok daw po yun
I am not against traditional hearsays however let us make sure it's safe for both mom and baby.
ginawa ko yan, tatlong itlog, tatlong iri lang din lumabas na si baby hahahaha
Dreaming of becoming a parent