Frustrated here kasi konti lang gatas sa dede πŸ˜©πŸ˜”

Firt time mama here! 😍 Sa wakas nakaraos na ng panganganak, NSD naman as what we planned. Super thankful ako at nakatulong sobra yung pagbabasa ko dito ng related articles and post about pagbubuntis at panganganak. 😊😊 Delivery date: Aug. 5, 2020 - 8:35 PM EDD: 1st Ultrasound: Aug 5 πŸ₯°πŸ˜ 2nd Ultrasound: July 30 3rd ultrasound (BPS): Aug 10 Frustration ko na lang ngayon pano magkakaron or madadagdagan ang breast milk ko. πŸ₯ΊπŸ˜£ Kawawa naman si baby wala sa timing pag naglalabas ng milk dede ko, tapos konti pa. Advise ng kapatid ng partner ko, drink moringa capsule tsaka lagi may sabaw ulam. Bumili naman ng moringa capsule nga partner ko. Kaso ganun pa din. Naaawa nako kay baby 😩😭 Any suggestions or idea po pano dadami/madagdagan breast milk supply? Or kung kelan siya dadami, i know ilang araw pa lang naman lumilipas? Di ko napaghandaan tong gantong situation, nafocus ako sa pano manganak πŸ˜…πŸ₯Ί Thank you! πŸ’•

2 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Normally daw po within 3 days after manganak, may milk na. Skin to skin lang po kayo ni baby. Since kapapanganak niyo lang po, better if lagi po kayo magkadikit ni baby and naka-latch lang po siya sa inyo. Tiwala lang po kayo sa milk niyo. Konti palang po demand ni baby ng milk, kasing laki ng kalamansi lang po tyan niya, kaya no need to worry if konti palang po napproduce niyo. Nakadepend po sa demand ni baby yung mapproduce niyo na milk. Iwas din po sa pagwoworry and stress. :) And better po if exclusive breastfeeding po kayo, no formula din. Good luck sa BF journey niyo ni baby. :)

Magbasa pa
4y ago

Salmat po! 😍