21 Replies
FTM here too. Sched for CS ako kasi di umikot si baby footling breech sya. Nung alam kong iCS ako tinanggap ko na sa sarili ko, basta lumabas si baby ng safe okay na sa akin kahit ano maramdaman kong pain. Okay lang ung feeling after maCS. Pero habang nasa OR ako feeling ko nakahigh ako dahil sa mga ininject sa akin medyo hilo ako. Hanggang sa inabot na agad si baby sa akin para sa "unang yakap" skin to skin contact namin ni baby. After ipatong si baby sa dibdib ko ung mga Dr. naman tinatahi na tyan ko pero wala ako mafeel kasi nga manhid ung half ng katawan ko 😂. Then dinala na kami sa recovery room, nagsuka naman ako kasi daw galaw daw ako ng galaw ng ulo ko, kaya ayun may nilagay sila sa dextrose ko para di ako magsuka ulit. At bago kami ilipat sa room, pinagalaw galaw muna ung mga legs ko. Di allowed kumain or uminum ang CS hanggang di nakakautot. Di rin pauwiin hanggang di nakakapupo. Dapat after 1 day ng operation makaya mong kumilos kilos maglakad. Kahit na sa isip ko nun takot ako baka bumuka sugat ko ganun pati pagbangon hirap ako nun. Pero after 2 days nakakabangon at lakad na ako, uwi n kinabukasan. 😄
Na emergency CS ako kase ayaw bumaba ni baby at mahihirapan ko rin sya inormal dhil sa shape ng pelvis ko. Almost 12 hrs pa akong naglabor na parang mapuputol katawan ko sa dalawa 😂 pero nung andun nako sa point na ipapasok na sa operating room di ko na pinansin basta ang nasa isip ko is makaraos na then un nakatulog nako pag gising ko nanganak na pala ako hehe. Masakit pero tolerable naman po and worth it pag nakita na si baby💓
Masakit pag nawala na yung anaesthesia pero tolerable naman. 😊 Wala kang choice kundi tiisin na lang yung sakit, pero worth it. Hindi mo na naman maiisip ang takot at kaba pag andun ka na e. Maiisip mo na lang e sana makaraos ka na. Kung papipiliin ako kung normal or CS, CS na ako. Hahaha. Inabot po kasi ako ng labor, hindi ko po kinaya ang sakit. Para akong tinotorture. Di tulad ng CS, isang sakitan na. 😅
Cs here due to high bp. At first nakakakaba pero nung nasa OR na ko yung masakit lang yung anesthesia thru spinal and kalahati lang ng katawan ko yung manhid at gising ako habang inooperahan kasi high blood ako, ok naman wala akong nararamdaman, rinig ko lang yung mga gamit na kumakalagting at yung parang dinadaganan sa tiyan para mailabas si baby. After 20 minutes "baby out" na, and narinig ko na yung iyak ng lo ko. 😊
CS ako first born ko due to pre eclamsia. Okay naman sya hindi mo naman mararamdaman yung sakit habang nasa OR ka, pero pag nasa recovery room ka na ramdam ko na yung bawat tusok ng tahi sakin. Pero okay naman sya overall matagal lang tlagang humilom.. ngayon preggy ako with my second baby, sabi ng ob ko kung kaya inormal, subukan ko daw. Kaso kung ako papapiliin, mas gusto ko ang CS kesa normal..
mhrap ang cs,at the same time mskit kc incision sya or hiwa tlga dka mkgalaw ng usual n gsto mo gwin though pwd nmn dhan dhan,mga 3-6mos ung fully recovery ng cs moms,but not rgarding s tahi nya s tyan dpatai safety precautions p dn,it can be ease a bit pg ikw ang EBF mom or ung ngppadede as in breastfeed kc it helps reduce the pain po,like me..cs dn aq in my 1st born child
Hanggang kaya mu try mung I normal...emergency cs aq kc ayaw bumaba ni baby,nung nlaman q na I cs aq medyo kinabahan aq pero feel q n mas ok kc d q na kya tlaga I deliver ng normal c baby halos wla n aq lakas dahil 2 days aq nglabor...D q ramdam nung hiniwa tyan q dahil pinatulog aq at nagicing nalng aq na nanginginig kalahati ng katawan q at halos d aq mkagalaw.
ako cs pero pinaglabor pa muna ako nag 7cm pa ako kaya lamg na cs na ksi si baby bumababa heartbeat kaya aun sbi ni ob i cs nako.. mahirap ksi naglalabor pa din ako noon dinadala ako sa or at tinurukan napaka sakin.. pero noon umokey na ung injection wala nako naramdam... okey namn siya noon kinagabhan naka tayo nako...
Aq nga sis pinagdiet ng center kc 2 pinapachek upan q private tas public.. Mjo tumaas n daw bp q tas heavy n dina balamce kasu masarap tlga kc kumain kya 1 kain n lng s rice wala ng balikan
Hi mommy.. mejo mahirap ang CS para skin kasi alagaan ko pa c baby kahit hindi pa masyadung nahilum ang sugat.. hindi pwede masyadong magalaw kasi baka mg buka ang sugat..at kapag mejo lumalaki na c baby bumibigat cya.. masakit sa lower part pg kinakarga ko cya.. Good luck!
Gising ako nung inoopera. Wala naman feel ko lang is parang ginagalaw yung tiyan ko kala ko minamassage nilalabas at binabalik na pala mga organs sa tiyan ko 😂😂 And magaling yung nag inject ng anesthesia sakin di sya masakit. Mas masakit pa nag inject ng dextrose ko 😂
Sana ganyan din sakin hehehehe
Angela Lotivo Tanay Nueles