Advice pls

First trimester here any suggestion po para maibsan ang matinding pag susuka 😢 kahit anong kainin ko sinusuka ko lang 😢 more on water lang ako pero ng hihina ako at na trauma sa pag kain, iniisip ko kapag kumain na namn ako isusuka ko na naman 😢 Ang hirap ng ganitong stage ng pag lilihi 😭😢#firstbaby #pregnancy

Advice pls
80 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

ganyan din ako 2 months to 4 months walang pinipiling oras ang pag suka halos gatas at biscuit lang kinakain ko , napaisip nga ako sobrang health concious ni baby sa tyan ayaw ng oily foods , ayaw ng maaalat ayaw ng seasonings sa sabaw, di pwedeng sumobra ang kanin sobrang hirap talaga. lagi ako may vicks kasi kulang na lang awayin ko mga kapit bahay ko pag nagluluto lalo pag nag gigisa. lahat ng pinapayo nila ginagawa ko na pero walang epekto suka padin ako ng suka. pagdating ng 5 months di na masyado boy din panganay ko di ako maselan tas dito sa sumunod sobrang selan ko baby boy din sya iba iba talaga bawat pagbubuntis.

Magbasa pa

Nung una ganyan rin ako momsh 😭 pag nagsusuka ko nasasabi ko nalang “ang hirap” kasi first time mom rin ako. Naglast lang sakin ng 7 days. Nagresearch ako sa internet ganto ginawa ko: Hindi ako kumain ng malalaking portion ng pagkain. Every 3 hours kumakain ako ng konting food. Tapos before bed kain ako magic flakes. Bago ko bumangon ng umaga sky flakes ulit. Para may laman ang tyan wag aakyat ang acid. Hanggang ngayon nakokontrol ko yung pagsusuka ko, pero halos wala na talaga ngayon kasi 3mos preggy nako.

Magbasa pa

1st trimester ko din ang selan ko sa food - feeling ko masasusuka ako pero di naman natuloy. iwas na lang po sa mga pedeng mag trigger. Sakin nun ung matatapang na amoy, nagstop ako magpabango kahit malamig sa ilong perfume ko. Ayoko ng amoy tuyo, or curry ung nga ganung amoy. Gusto ko nun mga sabaw na like Tinola. Basic lang na luto. Narealize ko kasi pag mas madaming hinalo sa food, mas ayaw ko amoy ^_^ Nag yakult din ako nun pag feeling ko talaga susuka ako. It will get better po sa 2nd trimester.

Magbasa pa

same ganyan din ako nong first trimester ko . payat na nga ako mas pumayat pa nong palagi ako nagsusuka. wag mo pilitin kumain sis pag nagsuka ka.. Inom ng pinakuluang luya tas ang kainin mo oatmeal sa umaga tas nilagang itlog ganun .. kung feel mo na gusto mo ung pagkain try mo kainin ng pa onte onte ganun . pag nasusuka ka naman wag mo kainin . prutas sis like apple ganun pwede . tapos inom ng tubig tas bed rest ka bawi ka pag second and 3rd trimester mo lakad lakad tas excercise . ganyan talaga

Magbasa pa

Ganyan din ako nung first tri ko..halos iyakan ko na ang mister ko dahil sa hirap ng paglilihi ko🤮🤮pero more on tiis lang mommy...kahit na alam mong isusuka mo din,try to eat small amount and be ready palagi sa tabi mo ang biscuit and water..di ka pwedeng magutoman ng tyan coz need yan ni baby..dama ko yang hirap na yan dati,kinaylangan ko pa nga na iconfine dahil kahit tubig ayaw pumasok sa tyan ko..kain lang,yung tipong tikim-tikim lang para kahit paano may laman ang tummy mo😊

Magbasa pa

Ganyan din ako noon momsh..2-4 months..worried nga ako kasi nangayayat ako noon..minsn 8x a day pa ko magsuka..pag my nglukuto nasa kwarto lng ako pra d ko maamoy, ang sabi ng OB ko pag feeling ko nasusuka ako..icandy ko lng ung ice (ice chips)..or uminom ng malamig na tubig..nakakareleived naman sia..tpos para di ko ma amoy ang paligid .bumili ako ng nose clip tpos sa bunga2 ako humihinga 😂 always din my baon akong candy at supot in case of emergency lalo na pag lalabas 😂😂

Magbasa pa

fruits and milk is enough sabi ni ob ko☺️ kahit di ka muna magkanin .☺️ ganyan din ako nung 1 trimester ko ☺️ kambal na babae pa dinadala ko kaya super ang pinag daanan ko . halos dalin nako ng asawa ko sa ospital sobrang pumayat talaga ko . Oras oras ang pagsusuka ko grabe . then mga 4 months makaka bawi na ang katawan mo☺️ Tiis lang sis☺️ you can do it! stay hydrated and pray lang palagi☺️

Magbasa pa

same here po. so hard that sometimes I want to cry during my 1st trimester. yung tipo na konti nanga lang nakakaen mo tas isusuka mo pa at sa pang amoy din may maamoy lang ako na hindi ko gusto suka nanaman kaya bumaba din timbang ko nun, but now nasa 2nd trimester nako medjo ok ok na pakiramdam ko .. so Mommy you can do that. Just think of the baby you need to eat even if you are just vomiting. 😊 God Bless 😊

Magbasa pa

ganun din ako dati natrauma pero kumain parin ako kahit isuka ko lang kasi iniisip ko pag nagutom ako paano na ang baby , dapat ngayon palang kahit gaano kasama na pakiramdam or hirap lalabanan mo yan pagiging ina nag sisimula na sa pag bubuntis palang , ginagawan ko lang ng paraan sarili ko dati pero kung tutuusin sobrang hirap nun miski nag luluto lang ako nasuka pako fight lang.

Magbasa pa

Going 4 months na ko mommy, first time mom din ako, parehong-pareho tayo pero malalampasan mo rin po yan, isipin natin para ka baby lahat ng sacrifices natin, small frequent meals lang para hindi ka po maduwal and sip lang ng water every 2 min para kahit pano hydrated ka po. ‘Wag po papastress dahil tayo rin po mahihirapan. Go mommy malalampasan mo rin po yan 😊

Magbasa pa