Anyare sakin?😩
First time to nangyari sakin. Im 31 weeks sa aming first baby, at so far okay nman ang pagbubuntis ko. Kanina habang nagpiprito ako ng isda naglalaro ako ng woody battle para malibang habang binabantayan ko yung piniprito ko. Suddenly nkafeel ako ng pagkahina parang pagod na pagod ako pero hnd ko lang yun pinansin. Ipinrito ko na yung huling isda pero dahil nga napakaclumsy ko ngayon paglagay ko sa palayok parang bumalintong yung isda at tumalsik sakin yung mantika na sobrang init. Natalsikan ako sa leeg at sa mukha. Inis na inis ako, naiiyak na ako pero pinigilan ko kasi ayaw ng asawa ko makita akong umiiyak. Pumunta ako ng banyo para maghilamos kasi ang init tlga nong mantika. Nong lumabas ang asawa ko kasi may binili sa tindahan, dun na ako umiyak. Tapos naligo nalang ako habang umiiyak. Ewan ko ba. First time po ito nangyari sakin, hnd ko maintindihan ang sarili ko kanina. Para akong na disappoint masyado sa sarili ko, at na stress talaga ako. Pagbalik ng asawa ko napansin nya na umiiyak ako sa banyo, kinomfort nman nya ako kaya kumalma din ako. Pagkatapos non naging okay din ako. Ngayon naisip ko sarili ko kanina para akong na OAhan sakin. Ano ba nangyari sakin kanina? Ok nman po kami ng asawa ko, wala akong problema samin dalawa kasi napaka smooth nman ng relationship namin pati narin sa pamilya namin. As in wala po tlga akong problema na iniisip ngayon sa awa ng Dios. Iniiwasan ko rin yung mga bagay na nkakapagstress sakin. Napaka positive ko pong tao lalo na ngayon na buntis ako. Pero kanina sadyang hnd ko lang tlga alam bakit nangyari yun sakin. Hnd ko talaga napigilan ang sarili kong umiyak. Para akong sumabog. Ngayon natatakot ako baka mangyari yun ulit. Sana nman hnd kasi napakabigat po tlga sa dibdib. Sino po sa inyo nkaranas ng ganito? Ano po ginawa ninyo? Normal lang po kaya ito? Salamat po sa mkakasagot. Ingat po tayo lahat.😊😊