Trans-V

First time mom here just want to ask kung pinapaTransvaginal din ba kayo ng OB nyo. Natatakot kaso ako magpatransV. Hindi ba sya delikado kay baby?

38 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

naku? momsh required ang transV during your 1st trimester mo.. hindi sya delikado.. malalaman din kasi dun sa utz mo kung normal ba movement ni baby.. age of gestation nya.. wag ka matakot dun momsh.. ako nga medjo naluha nung nakita ko baby ko sa utz.. kasi imagine nagswim swim lang daw sya dun and naka indicate dun kung ilang weeks na sya.. mas nakaka excite kaya yun kasi alam mong may isang human inside of you.. ingat sa pregnancy journey mo and enjoy lang momsh..

Magbasa pa
5y ago

nakaka excite talaga.. kasi imagine 1st date nyo na sa sat.. tapos maririnig mo yung heartbeat.. saya saya ko nga nung nagpa transv ako eh.. mapapasabi ka na lang na "sorry baby, kasi minsan si mama hindi nagiingat kumilos pero kapit ka lang jan"

Ako nong tinanong ako nong check up ko Kung gusto ko na mag pa transv,cnabi ko tlga na ayaw ko at Ng asawa ko...kasi lahat Ng bb ko 4 mos ko na Pina ultrasound..ok lng nman sa ob ko..as long as nararamdaman ko nman daw pag pitik Ng bb ko every madaling araw...

5y ago

9weeks preggy na kc ako..Kya mas ramdam ko pitik nya...6weeks naramdaman ko din pitik nya pero d ganun ka lakas..pero now mas ramdam ko tlga sya..gumigising kc tlga ako para pakiramdaman sya

ako nagpa transV nung just to confirm na maayos yung kapit nya at nasa loob sya ng matres .. ayun 8 weeks na pala sya nun .. expected ko around 4-6 weeks palang .. late ko na kasi nalaman na buntis ako at wala din ako nararamdaman na paglilihi ..

Magbasa pa
5y ago

pag 1st trimester talaga recommended ang transV para makita agad yung lagay ni baby sa loob mo .. and if ever may subchronic hemorrage ka makapag bedrest ka agad at maresetahan ng mga pampakapit ..

Hindi.. mejo awkward lang kasi ung rod na ipapasok sayo uhmm igagalaw ng igagalaw ng mag ultrasound sayo.. kapag doktor pa lalo gumawa, mejo brutal kasi syempre bukod sa baby mo titignan din if may myoma ka or something.

hindi naman sya nakakatakot kasi makikita mo kung ilang weeks at EDD ni baby mo, parang may ipapasok lang naman sayo na katulad ng *toot* 🤣 tapos mga bandang 4months ultrasound ka na talaga kaya no worries dapat 😊

Hindi naman nakakatakot. Bakit ba kayo natatakot sa trans V e para lang naman ng etits na nilagyan ng condom na may camera para makita loob mo. Yan talaga kelangan para malaman if may baby na or may heartbeat ganun.

Hindi naman po masakit ang transv. May lube naman at may condom pa yung sakin 🤣 Mas okay po ata yun pag ilang weeks pa lang para mas makita ng ayos si baby. Tsaka kung may abnormalities ba sa loob. 🤗

1st trimester po TVS po talaga. Mas ok po un kasi nakikita talaga c baby pati edd mo... yang kaba mo or takot mo mapapalitan yan ng saya once na nakita mo si baby sa loob ng tummy.... 😊😊😊

Yes po mas accurate kasi ang transV lalo na kung 1st trimester. Okay lang po yan para malaman nyo rin po kung may heartbeat na si baby at kung kelan kau manganak :)

Na trans v at 11 weeks. Depende din sa sono kung mabigat or magaan yung kamay niya hahha. Sakin kasi mabigat kamay nya. Kaya masakit nung time na dinidiinan nya.